e-mykel

Archive for the ‘Issues| Isyu’ Category

FBI (Facebook Interview): Mga Kanta ng Eraserheads at Feminismo

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on March 8, 2014 at 1:42 pm

Mga sagot ko sa Facebook Interview ni Cloi Sugano ng UST Conservatory of Music hinggil sa kanilang pananaliksik sa Filipino na “Feministang Pagsusuri sa Imahe at Papel ng mga  Likhang Tauhang Babae sa Pilipinong Awitin ng Bandang Eraserheads.” Marso 8, 2014.

 

1. Ano ang katangian ng mga awiting pop culture?

Ang kulturang popular o popular culture ay nilikha hindi ng mamamayan kundi ng mga kapitalista, negosyante. O di kaya naman ay kumukuha ng mga manggagawa, composer, artista ang mga kapitalista, pinopondohan nila at binabayaran nila ang mga ito para lumikha ng iba’t ibang kultural na produkto tulad ng awit, pelikula, panitikan, teleserye. Ngunit ang mga ito’y nasa kontrol at kapangyarihan ng mga namumuhunang kapitalista, may-ari ng pinakamalalaking kumpanya sa telebisyon, pelikula at recording industry.

 

Kung kaya’t pag sinabing pop culture, hindi naman talaga ito sa simula popular sa masa. Ang pop culture na mayroon tayo ay artipisyal at burgis na kulturang popular na ipinapackage, inilalako at isinusubo ng mga negosyante sa mamamayan. Ang kulturang popular ay nilikha para sa kita, para tayo ay pagkakitaan. Hindi ito talaga mula sa mamamayan. Ang popularidad ay isang produkto ng masalimuot na sistema ng pang-uuto – ng pagbaha sa media na kanilang pagmamay-ari ng mga produktong kultural tulad ng pelikula, television shows, awit na gusto nilang ibenta sa mamamayan sa mataas na halaga.

 

Kaya sa kasalukuyan, ang awiting popular ay popular lamang dahil ito ay nasa kontrol ng mga negosyante at makapangyarihan. Kung ano ang gusto nilang gawing popular, iyon ang kanilang gagawing dominante sa industriya ng TV, radio at sine.

 

Ang mga awiting popular o awitin na nakapaloob sa kulturang popular ay kakakitaan ng mga katangian ng pagiging konsumerista, indibidwalista, kontra-babae at kontra-LGBT, burgis, pyudal at kolonyal. Konsumerista dahil binibigyan tayo na ang ideyal na bahay ay nasa mundo ng kapitalismo at konsumerismo – ang magkaroon ng maraming pera para magawa ang lahat ng bagay. Indibidwalista ito dahil hindi nito pinahahalagahan ang kolektibong pagkilos ng mamamayan at iniaasa lamang sa indibidwal o sarili ang kalayaan sa buhay at lipunan. Kontra-babae ito dahil ang awiting popular ay ginagamit ang babae para ibenta, ang kaniyang seksing katawan, ang sex per se. Gayundin, kontra-babae ito dahil isinasadlak nito ang babae sa pagiging pantahanan lamang, laruan lamang, puta at iba pang pangmamaliit at pambibiktima. Kontra-LGBT ito dahil bastos ito sa mga bakla, tibo, bisexual at transgender. Ginagawa lang nitong katatawanan ang LGBT. Burgis ito dahil kontra-mahirap ito. Lagi nitong minamaliit at minamasama ang mga manggagawa at magsasaka at mahihirap. Ang bida palagi na tagasagip ay mayaman, kapitalista. Pyudal ito dahil ipinapalaganap nito ang bulag na pagsunod sa mga batas ng pamahalaan, pamilya, simbahan at mga institusyon ng mga kapitalista at naghaharing uri, kahit na ang mga batas na ito ay mali, lisya at kontra-mamamayan. Kolonyal ito dahil ang sinasabing tagapagsagip ay dayuhang imperyalista. Iyan ang kalakhan ng awiting popular sa kasalukuyan.

 

 

2. Ano ang kaibahan ng paggamit ng kababaihan sa awtin ng Eraserheads sa ibang awiting pop na may tauhang kababaihan?

Iba-iba ang portrayal ng kababaihan sa mga awit ng Eraserheads. Kung susuriing mabuti, may mga kanta ang Eheads na mapagpalaya sa kababaihan ngunit marami rin ang kontra-kababaihan. Halimbawa, tinitingnan ng mga kantang tulad ng “Sembreak” ang babae bilang pantasya sa masturbatory practice ng lalaki. Habang yung mga kantang “With a smile” naman ay may sinserong pag-ibig sa babae. Marami pa iyan.

 

3. Ano ang pagkakapareho ng paggamit ng kababaihan sa awitin ng Eraserheads sa ibang awiting pop na may tauhang kababaihan?

Halos wala namang ipinagkaiba. Kasi dominante pa rin sa kaisipan ng Eheads sa mga kanta na ang tingin sa mga babae ay syota lang, pangtahanan, kaaway, kaibigan, minsan kasama sa pagpapalaya ng lipunan. Pero kalakhan ay sex object lang rin naman ang portrayal ng Eheads.

 

4. Ano ang kaibahan ng ng awiting pop ngayon sa mga awitin ng Eraserheads dati?

Yung mga awiting pop ngayon, yung ilan, ay mayroon namang pag-igpaw. Halimbawa, mga kanta ni Gloc 9, na tinatalakay ang mga pakikibaka ng mga kababaihang OFW at mahihirap, laluna yung mga kababaihang guro. Pero mas maraming awiting pop ang kontra-babae, sex object lang ang tingin sa babae at hindi pinapalaya ang babae.

 

5. Sa iyong palagay, ano ang implikasyon ng awiting pop culture sa pagtingin ng lipunan sa kababaihan?

Malaki. Kasi ang awitin at kahit ano pang midya at kultural na porma ay mga daluyan ng ideolohiya at politika. Kaya kung kontra-babae ang dominante sa awiting popular, malaki ang tsansa na kontra-babae ang matutunan ng tagapakinig. Puwede rin namang sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pag-aaral ay maipakita at matunggali ang kontra-babaeng ideolohiya sa pamamagitan ng peminista at marxistang kaisipan.

 

6. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Huling El Bimbo ng Eraserheads?

Isa ito sa mga kanta ng Eheads na masasabing nagtatalakay ng coming of age ng isang lalaki at isang babae. Ang nostalgia ng personang lalaki na nagsasalita sa kanta ay umaalala sa kanyang dalisay na karanasan noon sa kanyang iniibig na babae. Ipinakita sa El Bimbo kung ano ang kinahinatnan ng isang babae sa isang lipunang pinatatakbo ng makalalaking sistema (patriarkiya) at ng malakolonyal at malapyudal na lipunan na puno ng kahirapan. Ang babae ay naging tagahugas ng pinggan sa isang eskinita, malinaw na walang programa ang gobyerno para sa mahihirap, ang trabaho ay mahirap pero maliit ang sahod. Nasagasaan siya ng sasakyan, ngunit walang hustisyang nakamit. Kaya may bahagi na nagpapakita ito ng nararanasang pambibiktima sa babae, gayong ang kanta ay may hibo pa rin ng sexism dahil ang inaassume nitong tagapagligtas ng babae ay ang lalaki.

 

7. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Ligaya ng Eraserheads?

Dito pinapakita ang lalaking persona bilang manliligaw ng babae – at ang babae ay pinapangakuan ng kung ano-ano tulad ng paggawa ng thesis basta lamang sagutin ng “oo” ang lalaki. Parang bribery. Pero at the same time, ang inooffer ng lalaki ay “walang humpay na ligaya” sa “tanghali, sa gabi at umaga”. At ultimately, ang pangako “mabubuhay nang tahimik at buong ligaya.” Kaya tatanungin natin yung Eheads: ito ba yung mga pangako na bago o stereotype na pangako ng lalaking nanliligaw sa babae. Siyempre, yung kanta, panliligaw na kanta lang ito. At sinasabi ng lalaking persona sa kanta na hindi siya manyakis – ibig sabihin na pure at chaste ang hangarin sa babae at hindi sex na karaniwang istiryotipo. Puno ng pangako, tulad nang nakikita madalas sa lipunan. Relatively, safe ang kanta. Happy lang. Pero sa malalimang pagsusuri, hanggang dun lang iyon. Wala namang pangako ng emancipation talaga, though may pangako ng happy life.

 

8. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Magasin ng Eraserheads?

Kontra-babae ang kantang Magasin. Pangit ang trato ng lalaking persona sa kanyang ex-girlfriend noon. Niloko at pinaiyak pa nga niya ito. Nanghinayang siya nang makita sa magasin na ang ex niya ay maganda at sikat na. Nanghihinayang siya dahil maganda na ngayon ang ex niya samantalang basura ang trato niya sa babae noong pangit pa ito at magkasintahan sila. Nagulat siya nang malamang bold o porn magazine pala ang kinalalagyan ng kanyang ex. So dito makikita na sex object at pornographic object ang turing sa babae – ikinakalakal na laman sa merkado ng kalalakihan. Hindi nito pinalaya ang babae, sa katunayan, sa dulo ng kanta, napaka-macho (superior ang tingin sa lalaki) at sexist (inferior ang tingin sa babae) dahil sabi ng lalaking persona ay (1) sayang dahil wala o kulang ang pera niya pambili ng porn magasin at (2) sana sa susunod na isyu ay centerfold na ang ex niya. Ibig sabihin, sa halip na naisin niya na makalaya mula sa ganitong prostitusyon ng pornograpiya ang babae ay ninais pa niyang magpatuloy sa ganitong kalakaran ang ex niya. Walang pagmamahal sa babae, puro kalibugan lamang. Ginawa nitong ang relasyon niya sa babae ay konsumer (lalaki; bibili) at kinokonsumong produkto (babae; produkong sekswal na bibilhin).

 

9. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Spoliarium ng Eraserheads?

Komitment at pagnanais ng paglaya, na hindi matakasan ng isang lalaki. Bagama’t abstrakto ang kanta kung kaya’t wala naman talagang malinaw na mensahe ng paghulagpos mula sa lusak o dusting kalagayan. May pagnanais o attempt na humulagpos pero hindi matuloy.

 

10. Sa inyong tingin epektibo ba ang pop culture sa paghahayag ng kasalukuyang isyung kinahaharap ng mga kababaihan sa ating lipunan?

Hindi magaganap sa kulturang popular na palayain nang buong-buo ang kababaihan, dahil ang kulturang popular ay hawak ng iilan. May tinatawag na hegemony o gahum – isang makapangyarihang sistema – at ito’y nasa kapangyarihan ng iilan lamang – mga kapitalista, panginoong maylupa at mga burgesya, kasama rito ang dominanteng kaisipan ng patriarkiya bilang gahum na kontra-babae. Kaya ang kulturang popular sa kalakhan ay hindi kailanman magpapalaya sa kababaihan dahil ito ay ginagamit lamang para sa negosyo, para kumita, para panatilihin ang mga dominanteng kaisipan. Sa marami nang attempts sa history na magkaroon mga TV show, sine at kanta na nagpapalaya sa babae, ito ay nalulunod nang mga hegemoniya ng naghaharing uri at naghaharing kasarian. Hindi epektibo ang popular culture para matalakay nang buong-buo ang mga isyu ng kababaihan at para maghapag ng alternatibo para mapalaya ang kababaihan. Ika nga, the revolution will not be televised, sa mundo at lipunang pinaghaharian ng ayaw ng rebolusyon ng mamamayan. Kung gusting magpalaya ng kababaihan, kasama na ang iba pang inaaping sektor ng lipunan, kailangan ng rebolusyong pangkultura, o cultural revolution. Kailangan ang kultura ay maging sandata para palayain ang inaapi at gapiin ang nang-aapi. Puwedeng magbasa ng Mao Zedong articles on cultural revolution and women, nasa internet lang iyan. At higit sa lahat, hindi sapat ang cultural revolution lamang — kailangang mag-rebolusyon mismo ng kababaihan kasama ang lahat ng kasarian at siyempre yung rebolusyong iyon ay kasama dapat ang malawak na sambayanan ng iba’t ibang inaaping sektor at uring panlipunan.

FBI: Ang Cesar Virata Iskul of Biznez, Gusaling SM, at ang STS (Smokescreen to Tuition Increase Scheme)

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on February 18, 2014 at 3:31 pm

Facebook na panayam ni Julian Bautista Bato para sa Philippine Collegian. Pebrero 18, 2014.

1. Anong masasabi niyo po sa moves ng BOR na palitan ang pangalan ng CBA to VSB. Pati na rin po yung sa Henry Sy.

Mas malinaw ngayon na tungo sa pribatisasyon at komersyalisasyon ng UP education ang tunguhin ng BOR sa lisyang pamumuno ni Alfredo Pascual. Pera-pera na lang pala talaga ang usapin, at hindi integridad ng akademikong programa. Sa paggugumiit ni Pascual at ng kanyang mga kasapakat na gawing Virata School of Business ang pangalan ng CBA, ipinapakita ng administrasyon ng UP na isa rin itong imperyong napakatigas ng ulo — ayaw kumilala at magwasto ng pagkakamali.

Una, alam na ngang iligal na ipangalan sa tao ang pangalan ng akademikong kolehiyo at programa ay sige pa rin. Malinaw rin na taksil sa pamantasan at sa pamahalaan ang isa sa nagpaigting ng Batas Militar sa bansa. Ikalawa, pera-pera na lang pala talaga. Dahil sa pangakong donasyon sa UP para lang ipangalan kay Virata ang CBA ay nangangayupapa si Pascual. Antawag riyan ay alipin ng salapi, tagasakripisyo ng akademikong integridad ng pamantasan. Isama pa ang pagpapangalan ng isang gusali kay Henry Sy dahil lamang rin sa pera, habang yung mayroong mga tunay na ambag sa pagiging “Pamantasan ng Bayan” ng UP ay isinasantabi, kinakalimutan, o di kaya’y hinahayaang mabulok ang pangalan at prinsipyo sa sulok-sulok ng unibersidad. Sa halip na itaguyod ang karangalan, prinsipyo at mapagpalayang akademikong mga programa, pinapapasok tayong lahat sa lohika ng kapital. Mabuhay ang kapitalismo!

Kung dati’y mayroong pangako si Pascual na pag-iibayuhin ang akademikong kalayaan sa unibersidad, at ang pagpapanumbalik ng pagiging Pamantasan ng Bayan ng UP, lumilitaw ngayon na hindi naman pala ito talaga ang tunguhin ng administrasyon ni Pascual. Wala itong ipinagkaiba sa sunud-sunuran sa neoliberalismo, sa gahum o kapangyarihan ng pera. Kailangang matuto tayo mula sa karahasang ito ni Pascual at ng kanyang mga kakamping negosyante sa BOR. Isa ito sa pinakamarahas na panahon ng ating pamantasan, at hindi tayo dapat magwalang-kibo.

2. At ano po masasabi niyo sa STS bilang pinalitan lang ng pangalan ang STFAP at wala talagang naganap na reporma?

According to UP’s website, UP uses the adage: “Shaping minds that shape the nation.” Kaya lang anong klase ng paghuhubog ng kaisipan ang ginagawa ng administrasyon ni Pascual. Hinuhubog tayo upang maglingkod sa interes ng pera o kapital, sa interes ng pribadong negosyo at dayuhan. Hinuhubog tayo upang tanggapin na para makakuha ng UP education ay dapat magbayad ng mahal kahit na magkanda-utang-utang. Pinalitan ang pangalan ng STFAP, tinawag nang STS. Pero hindi naman talaga ito Socialized Tuition Scheme. Lumalabas na ang tunay na kahulugan ng STS ay Smokescreen to Tuition Increase Scheme. Magpalit man ng pangalan, nananatili itong mapagkunwaring socialization. Walang democratic access to UP education. Hindi maikukubli ng administrasyon ni Pascual at ng lahat ng nagdaang UP administrations na naging mas inaccessbile ang UP education dahil sa STFAP.

Sa esensiya, walang pagbabago ang STFAP to STS. Lubhang mataas pa rin ang matrikula sa UP, kahit na ang iminumungkahing rebisyon sa STFAP / STS ay ang pagrollback ng matrikula. Kung kaya, malinaw na kahit na ano pang rebisyon ang gawin sa STFAP / STS, hindi naman talaga ito naglilingkod sa masang estudyante, kundi para lamang gatasan ang mga estudyante, magulang at pamilya.

FBI: Globalisasyon, Mga Kurso ng DFPP at ang Penomenon ng Degree Program With Available Slots (DPWAS)

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on February 18, 2014 at 3:22 pm

Mga sagot ko sa Facebook na panayam ni Julian Bautista Bato para sa Philippine Collegian. Enero 31, 2014.

1. Ano po masasabi niyo na most of the freshman population ng DFPP courses ay galing DPWAS?

Nangangahulugan ito na may problema hindi lang ang sistema ng edukasyon ng UP kundi ang buong sistema ng edukasyon ng bansa. Symptomatic ito kung anong kaisipan ang itinuturo ng gobyerno at ng mga pribadong korporasyon sa ating mga mag-aaral — ang kumuha ng mga kurso na madaling pagkakitaan o may future sila ayon sa pamantayan ng mga kapitalista at ng gobyernong ibinebenta ang lakas-paggawa ng ating mga gradweyt at estudyante. Kung kalakhan ng populasyon ng DFPP freshmen ay mula sa DPWAS, ibig sabihin nito ay hindi prayoridad o wala sa hinagap ng mayorya ng mga nag-exam at nakapasa ng UPCAT ang mga kurso ng DFPP na maituturing nating makabayan.

Ibig sabihin rin nito na sa mata ng mga negosyante at ng mga taong naimpluwensiyahan ng kaisipang maka-kapitalista na hindi profitable o marketable course ang mga kurso sa DFPP. Framework ng edukasyon na sa pangkabuuan ang kailangan nating suriin sa sitwasyong ito.

Malaki ang implikasyon ng ganitong sitwasyon sa takbo ng pag-aaral sa unibersidad. Sa totoo lang, hindi lang naman sa DFPP o sa UP ito nangyayari kundi maging sa iba pang mga SUCs at private universities — napipilitang kumuha ng kurso ang mga mag-aaral sa mga may available na slots na lamang. Kaya ang learning process minsan ay wala sa kanilang puso at isip. Ang nagiging aktitud ay basta makagraduate, o makapag-shift sa marketable o gustong course, o makalipat sa ibang kolehiyo. Sa halip na ang maitatak sa mga mag-aaral ay ang makabayang paninindigan bukod pa sa pang-akademikong kahusayan.

2. Bakit kailangan po pag-aralan ang Filipino sa panahon ngayon?

Hindi lamang Filipino bilang wika ang inaaral sa DFPP. Nariyan ang Araling Pilipino (Philippine Studies na Interdisiplinari), Panitikan ng Pilipinas at Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Mahalagang pag-aralan ang Filipino dahil ang isang mamamayan na hindi batid at hindi nagmamahal sa kaniyang sariling wika at kultura ay may mababaw o walang pagmamahal sa tunay na diwa ng pagiging makabayan at paglilingkod sa bayan.

Siyempre, panawagan rin ito sa mga guro mismo ng DFPP at sa iba pang mga guro — na ang pagtuturo ng Filipino at iba pang mga asignatura mula sa DFPP ay isang paninindigan at isang responsibilidad — ang ipamutawi ang makabayang posisyon — laluna’t sa gitna ng globalisasyon at komersyalisasyon ng edukasyon — sa gitna ng pagprayoritisa ng gobyerno at ng burgis na akademiya sa mga marketable at pro-modern slavery na mga kurso — KAILANGANG MANINDIGAN at magpamutawi ng makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon. Para saan pa ba tayo nag-aaral? Given na yung para sa sarili at pamilya, para makakain at makaahon sa hirap. Pero DAPAT para sa bayan, para lahat ng mamamayan, balang-araw, ay makapag-aral at mabuhay nang maalwan.

Sa kultura natin ngayon na masyadong mabilis, walang malalim na pagkakilala sa identidad na Pinoy, at walang malalim na dungkal ng makabayang diwa, may higit na pangangailangang pandayin ang makabayang edukasyon.

Facebook Interview (FBI): Wikang Pambata

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on September 19, 2013 at 3:15 am

Panayam sa akin via Facebook chat ni Louis Arceo, mag-aaral ng School of Economics, UP Diliman.

Hinggil sa Wikang Pambata

Mykel Andrada

Setyembre 18, 2013

 

1. Bilang isang propesor ng wika at literatura, ano po ang wikang pambata at kahalagahan niyo sa mga bata, sa mga guro at sa atin?

Maaari nating sagutin ito sa dalawang antas. Una, mayroong wika ang mga bata. Ibig sabihin, ito ang wika na ginagamit ng mga bata, sa kanilang paglalaro, pag-aaral, pakikipagkuwentuhan, sa lahat ng kanilang ginagawa. Ikalawa, mayroong wikang pambata na likha naman ng matatanda, ng akademiya o paaralan, ng gobyerno. Sa totoo lang, tao ang lumilikha at nagpapaunlad ng wika — pambata man iyan o pangmatanda. Mahalaga ang paglikha ng wikang pambata para maging maayos ang pakikipagkomunikasyon sa mga bata. Pero hindi ito nangangahulugan na ang wikang pambata ay likha lang ng matatanda at ng akademiya. Ito ay nakasalalay at nakabatay rin sa wika mismo ng mga bata. Dapat ay gamay o maalam tayo sa pakikipag-usap at pakikipagkomunikasyon sa mga bata dahil ito ang wastong paraan para makapagbigay ng impormasyon sa kanila, para makapagtalakayan sa kanila, at para makuha ang kanilang palagay, paninging, sentimiyento, maging ang kanilang mga desisyon.

2. Maaari mo po bang bigyan ng linaw ang terminong “wikang panturo” at “wikang pagkatuto”?

Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang ginagamit sa mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams, instructions para sa mga gawain at pananaliksik.

Ang wika ng pagkatuto naman ay ang wikang ginagamit ng mag-aaral sa kaniyang pakikipagtalastasan sa loob ng akademiya o paaralan, sa mga guro at kaklase, sa kaniyang pagbabasa. Minsan, hindi angkop ang wikang panturo ng guro sa wika ng pagkatuto ng mga estudyante, kaya dapat mag-adjust.

3. Ano po sa tingin niyo ang lenggwaheng ginagamit sa wikang panturo at wikang pagkatuto sa mga paaralan dito sa Pilipinas? At bakit iyon?

Ang wikang ginagamit sa wikang panturo ay yung iniuutos ng Department of Education at ng Commission on Higher Education, at ng mismong mga universities and colleges and schools. Iba’t iba yan. Sa basic education, sa Kinder halimbawa, ginagamit ang mother-tongue, ibig sabihin, yung wika na kinagisnan ng mga bata, yun ang ginagamit bilang panturo. Pero pag umakyat na sa elementarya, unti-unti ay iniintroduce na sa Filipino at English. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Filipino pero pinagtibay ang Ingles bilang medium of instruction ayon sa Executive Order 210 ni dating pekeng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kaya ayan, andaming hindi maayos ang pagkatuto sa paaralan dahil ipinipilit ang paggamit ng wikang Ingles, samantalang dapat ay wikang katutubo at wikang kinagisnan naman at wikang Filipino ang dapat gamiting panturo. Ang wika ng pagkatuto ay halo-halo rin: Filipino, English, mga wika mula sa rehiyon, nakagisnang wika.

4. Sang-ayon po ba kayo sa pamantayang lengguwahe rito sa Pilipinas? Magbigay po ng mga rason kung bakit oo/hindi?

Marami kasi ang pamantayang pangwika dito sa Pilipinas. Iba-iba yan per school, though may mga schools na magkakapareho o halos magkatulad. Iba pa yung pamantayan na espoused by different government agencies such as the NCCA, Komisyon ng Wikang Filipino, DepEd at CHED. Sa UP, maryoon tayong mga Sentro ng Wikang Filipino.

Hindi ako sang-ayon sa pangkalahatang pamantayang pangwika sa Pilipinas kasi ito ay nakahalaw o nakabatay sa Tagalog, Kastila at Ingles sa pangkalahatan. Halimbawa, ang pamantayang pangwika na ipinapagamit ng KWF ni Virgilio Alamrio ay Tagalog-centric. Samantalang napakaraming wika sa Pilipinas. Ang paglikha kasi ng pamantayan ay dapat nakabatay sa mamamayan. Dapat kasama ang mga tao sa paglikha ng pamantayan — dapat consultative at democratic ang mga ahensiyang pangwika at pangkultura sa paglikha at pagtakda ng mga pamantayang pangwika.

5. Ano po ang dapat gamitin na lengguwaheng pamantayan? At bakit po iyon?

Ang pamantayang pangwika ay dapat ay likha kasama ng malawak na mamamayan. Dapat inclusive, consultative at democratic sa paglikha ng pamantayang pangwika. So dapat, inclusive rin ito ng lahat ng regional languages, variations at variants ng wika na sa ating bansa. Kasama rin ang Ingles at Kastila dahil bahagi na ito ng wikang Filipino, na itinuturing nating wikang pambansa, bagama’t kulang na kulang sa rehiyunal na inklusyon ang wikang Filipino.

6. Ano po ang mga implikasyon at epekto nito sa mga bata, mga guro at sa atin?

Ang paggamit ng wika ay usapin ng kapangyarihan — kapangyarihang pampolitika, pang-ekonomiya at pangkultura. Kung sino ang nagdidikta ng kung ano ang wikang gagamitin ay siya o sila rin ang nagdidikta kung ano ang lalamaning politikal nito.

Halimbawa, sa Pilipinas, dahil tayo ay neokolonya ng United States, ang gobyerno natin ay sumusunod sa dikta ng mga kapitalistang Amerikano. Nung panahon ni Pang. Gloria Arroyo, minadali niyang pirmahan at ipatupad ang Executive Order 210, “An Act Strengthening English as the Medium of Instruction” dahil ito ay dikta ng International Monetary Fund – World Bank.

Sa katunayan, sinulatan ng IMF-WB si Pang. Arroyo at sinabing kung hindi magpapatupad ng Ingles bilang wika ng pagtuturo ay HINDI NA PAUUTANGIN NG IMF-WB ang Pilipinas! Dahil IMF-WB ang may hawak ng economic or financial power, nadidiktahan nito maging ang supposedly ay sovereign nation at government ng Pilipinas. So whoever wields the economic and political power, also wield cultural power. In this case, language.

Malaki, kung gayon, ang epekto at implikasyon ng wika at pamantayang pangwika sa mga bata, guro at sa mga mamamayan. Kasi kung ang idinidiktang gamiting wika ay dayuhan at hindi nakalapat sa ating kultura at lipunan ay hindi ito mapakikinabangan ng mga mamamayan. Ang mga bata ay lalaki na may colonial mentality at walang pagmamahal sa sariling wika, kultura at identidad. Pero kung ang wikang gagamitin ay iyong sariling atin, mas mapapaunawa natin ang sariling kultura at identidad, mas mamahalin ang bayan at kapwa, at mas paglilingkuran ang sambayanan. Ang batang lumaki sa kolonyal na wika at edukasyon ay malayo at alienated at marginalized mula sa kaniyang reyalidad at lipunan.
7. Ano po ang maitutulong ng wika sa “development” isang bata?
Basic requirement ang language sa development ng isang bata. And when we say language, hindi lang yung written or oral language — kasama rin diyan siyempre ang visual language, physical language. Ang development ng isang bata ay laging may wika. Mayroon ang lahat ng tao (kahit mga hayop) ng tinatawag na INTERNAL SPEECH o wikang internal. Yung kahit hindi tayo nagsasalit o nagsusulat ay kapag nag-iisip tayo nang tahimik ay naririnig natin sa utak natin na nagsasalita tayo.

FBI: Occupy, Kampuhan, Reclaim at Overhaul the System

In Campout, Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on December 7, 2011 at 1:50 am

FBI: OCCUPY, KAMPUHAN, RECLAIM, AT OVERHAUL THE SYSTEM

Mykel Andrada

 

Mga sagot ko sa Facebook Interview na isinagawa ni Marc Jayson Cayabyab ng Tinig ng Plaridel noong Disyembre 7, 2011. Tungkol sa “Occupy Movement” sa Pilipinas ang panayam. Ang mga tanong ay naka-boldface at sa ilalim ng bawat tanong ay ang aking sagot. Salamat! 🙂

 

 

1. ano po ba ung pinaparating na mensahe ng ganitong malawakang movement po na sinasabayan ng bansa? siguro po usapin ng pagreclaim po ng isang espasyo. occupy nga po, ganyan. Hehe

 

Sa totoo lang, hindi naman bago sa Pilipinas ang “occupy” na konsepto ng mobilisasyon o mass action. Matagal nang nagsasagawa ang mga progresibo at aktibsta ng tinatawag na mga “kampuhan,” “piketline,” “welga,” at iba pang tawag sa mga aksiyong masa na kapwa pisikal at alegorikal na nagpapatungkol sa pagbawi sa espasyo.

 

Kung sa mga magsasaka iyan, laging nagsasagawa ang mga progresibong magsasaka at manggagawang bukid ng KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) ng mga kampuhan, na nagmumula sa lakbayan ng mga magsasaka.

 

2. ano naman po ang pinpahiwatig kumbaga po na simbolo ng ganitong occupy na konsepto po? lalo na po’t pinapangunaha po sya ng 99 percent, sa diwa po ng occupy movement

 

Haimbawa, pag babalikan ang mga talumpati sa halos lahat ng kampuhan, rali at demonstrasyong masa, sinasabi ng maraming tagapagsalita na ang Pilipinas ay pinatatakbo lamang ng 1% ng mamamayan ng bansa. At tunay na mayorya ng mamamayan, ang 99%, ay dinodomina ng 1%.

 

Kung kaya mainam na suriin kung bakit ang konsepto ng “occupy” ay sa katotohanan “pagbawi” o “reclaim” — isang politico-cultural na aksiyong-masa na naglalayong ipakita sa mamamayan

at sa bayan na ang mga panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitikang isyu ay makikita hindi lamang sa lansangan.

 

3. sguro po sa diwa ng “pagbawi” o “pagreclaim”. ano naman po ung nirereclaim ng 99 percent sa pag”occupy” ng isang espasyo?

 

Both physical at symbolical ang reclamation ng isang espasyo. Halimbawa, kung 99% ang nag-ooccupy to reclaim a space, it means that majority of the Filipino people originally “own,” “reside” or are free to use and cultivate the said space; but because of the domination of the 1%, free access of these spaces, that do not only constitute geographical or physical loci, but also represent the whole political and economic spectrum whereby the impoverished are denigrated day by day.

 

So this means that reclaiming a geopolitical space such as Mendiola — that has been actually a site or locus of struggle by warring social classes — is an action which is very political although symbolical.

 

Reclaiming a space such as Mendiola is also a political narrative — a writing of the present and the future. When we say “to occupy” or “to reclaim” is a political narrative means that we see the narrators or writers of this historical narrative as essentially class-based. The 99% becomes the collective author that progressively redesigns and re-attributes their notion of counter-hegemonic aspirations, of changing the current capitalist system for a better and more humane system.

 

4. so bale po ang pagreclaim kumbaga sa isang espasyo ay paraan rin po ng pagreclaim sa isang political power na nararapat naman ay nasa 99 percent po?

 

We occupy a space, we reclaim a space, because we want to reclaim the rights that have been stolen from the 99%.

 

5. ok po. so bale naman po sa usapin ng motibo ng mga occupants sa movement na ito. paano naman po naiiba ang pilipinas bilang ang mode naman po sa US ay to end corporate greed? ano naman po ang atake ng pilipinas sa ugat ng kahirapan sa bansa?

 

Oo, yung political power at economic power na ninakaw at hinawakan na lang ng 1% ang nais na bawiin ng 99%. Pero siyempre, dapat malinaw na yung pagreclaim ng political at economic power ay para talaga sa 99% at hindi lamang para sa iilan. Kaya essentially, sa unang stage or level, sinisimbolo ng “occupy” o “reclaim” ang pagbawi ng bourgeois rights ng tao tulad ng lupa, trabaho, pagmamay-ari pa rin kasi.

 

Pero siyempre, sa struggles to occupy and reclaim, ipinapakintal na the fight doesn’t end sa pagbawi ng bourgeois democratic rights kundi simula lang ito ng pagpapalalim sa kung anong klase ba ng sistema ang kailangan ng bansa. So yun ang second level o antas ng occupy o reclaim. Na it’s time to change the system!

 

6. ano naman po ung masasabi niyo dun sa mode ng ibang occupy movements na against corporate greed lang po? samantalang sa Pilipinas ay mas social system mismo ung kinukustyon, samantalang sa US po ay value system kumbaga tulad ng corporate greed

 

Yun naman kasing anti-corporate greed ng occupy movement ay nagpapakita na yung klase ng movement nila, or at least ng mainstreamed na notion ng occupy movement, ay isang anti-capitalist pero burgis na klase pa rin ng movement.

 

Corporate greed, of course, necessitates subversion from the people. After all, greed for superprofit is the end-all and be-all of capitalism. So sa isang banda, progressive naman yung occupy movements, pero kelangan pa talaga ito ng mass participation at nang mas revolutionary na direction. Sige, let’s say that these corporations agree to lessen their greed or to weed out their greed, does this solve the poverty problem and unemployment? No.

 

Because the system, the capitalist system, is retained and sustained. So there must be a need to overhaul such system and not just reform the system.

EI: Andres Bonifacio Act of 2011 / House Bill 4353

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on August 20, 2011 at 9:22 pm

Here are my answers to an email interview by Rachel C. Barawid, Reporter, Manila Bulletin Students and Campuses Section. July 10, 2011. Her questions are italicized here. Read her article “Teaching Bonifacio” by clicking on this link: http://mb.com.ph/articles/327687/teaching-bonifacio. Many thanks! 🙂

On the Andres Bonifacio Act of 2011 or House Bill 4353 filed by Kabataan Partylist Cong. Raymond Palatino

by Mykel Andrada

1. First of all, are you in favor of this bill? Why or why not?
Yes. I am very much in favor of the bill being proposed by Cong. Palatino of Kabataan Partylist. It is about time to include in our educational system a more comprehensive teaching of the life, works, theories and praxis of Andres Bonifacio, as the foremost plebeian and nationalist (read: anti-colonial and anti-imperialist) who shaped and continue to hone the consciousness of so many Filipinos from the Spanish times up to the present. Bonifacio’s personal and political life experiences are representative of the experiences of the majority of the population of the country, then and now. Needless to say, Bonifacio is very much relevant today as he was centuries ago.

2. How effective is the Rizal course that is being taught in UP through the P.I. 100? Do you think the Bonifacio subject, if approved, would be as effective as the Rizal course?

Teaching any course or subject cannot just be simply summarized in one syllabus or in one teaching semester. Aside from the syllabus that provides an outline of ideas and concepts to be discussed in class, other factors that need to be included in assessing the effectiveness of the teaching of Rizal course are (a) the mindset of the teacher, (b) the pedagogical methods or teaching strategies, (3) the availability of textbooks and other materials, and (d) the will and openness to learn the course. PI 100 or Philippine Institutions 100: The Life and Works of Jose Rizal, a 3-unit course required for all UP undergraduate students, is only as good or effective as the factors I have stated above. It means that the teaching of the said Rizal course varies depending mostly on the instructor handling it. There are PI 100 classes that dwell on the most basic life and work details of Rizal such as his childhood, his socio-political and cultural background, and his life and works produced as an expatriate scholar, but do not necessarily connect these ideas to the present condition of the Philippines in order to further the formation of a more transgressive Filipino nationalist ideology. There are classes that only dwell on idolizing Rizal, without critically discussing the political implications of his life and works. There are instructors, however, who really historically define Rizal as a propagandist, a revolutionary, and go as far as unfurling how Rizal is being used by recent governments to defend the status quo and by businesses to sell their products. This means that to effectively and comprehensively teach a Rizal or Bonifacio course, or any course for that matter, it entails a continuing education even on the part of the instructors handling the course, to not just simply consider Rizal or Bonifacio or any other hero as a historical artifact but to transgressively showcase how their lives and works are necessary for raising the social consciousness of our youth and our people so that they may engage themselves in collectively and genuinely serving our nation.

3. Cong. Palatino told me that in the 1950s when the Rizal bill was initiated, the life of other heroes were also supposed to be included in the subject but the teaching eventually stopped at Rizal. Are you aware of this Prof? If yes, can you please shed light on the matter?

In UP, for example, the reason why the Rizal course is named Philippine Institutions 100 is because it means that Rizal is considered as one of the Philippine Institutions among the many Philippine Institutions that we have such as Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Gabriela Silang, and others. This means that there should be a PI 101, PI 102, etc. The government then should support the Bonifacio Bill by Palatino because it addresses the need to teach Bonifacio as one of the leading Philippine Institutions. In teaching PI 100 in UP, me and some of my colleagues do not only dwell on Rizal’s life and works. We critically and creatively connect Rizal with the lives and works of other Philippine Institutions such as Bonifacio, Mabini, Jacinto, and the like, in order to compare how they addressed the same issues that Rizal encountered.

4. Cong. Palatino said in his bill that the Rizal and Bonifacio lessons can be taught separately for half a semester or a separate course altogether can be created on the life and teachings of Bonifacio. Do you think this is feasible? How do you think the Bonifacio subject should be taught?

It is in my opinion that there should be a separate Bonifacio course, in order to break the very archaic notion of pitting Rizal and Bonifacio with each other. They are products of their times and social classes, so we must study them according to the said parameters. But of course, if this is not feasible, it wouldn’t hurt to teach Rizal and Bonifacio in one subject. The main argument would to draw from their life and works their specific contributions in the understanding of the various brands of nationalism before, during and after the Spanish colonial occupation.

5. What do you suggest should be the content of the course, and lesson plan? and 6. Are there enough materials on Bonifacio? Are they accessible like those of Rizal?

There are so many materials on Bonifacio — his essays, literary works, monuments, places named after him, interviews with his descendants, etc. Moreover, Bonifacio is interpreted and represented in various forms in the age of electronic and digital technology. Also, Bonifacio’s life and works are found in the oral tradition. Fragments of his works could be found in present-day children’s games and songs, in regional magazines, in school oratorical competitions, etc. Bonifacio is everywhere!

7. How important is this bill? and 8. According to Palatino, his bill aims to revive the spirit of nationalism among the youth, in particular the two brands of nationalism, peaceful revolt espoused by Rizal and militant nationalism by Bonifacio. Do you agree? Why or why not? and 9.  What’s the best lesson that we can learn from the life and works of Andres Bonifacio? How can he be relevant to the youth?
This bill is very important in reinvigorating a more genuine and mass-based nationalism among our students and people. There are many things that we can learn from Bonifacio. That it is not a disservice to the nation if you become an activist, a radical intellectual, a unionist, and a revolutionary. That genuine peace does not reside in individual persons alone, but in the collective struggle of the people. Bonifacio was a common tao, yet he participated in a revolution that decisively overthrew a very despotic and authoritarian colonial regime. What this country needs is a retooling of our sense of nationalism, specially that in these times, our sense of nationalism has been a perverse spectacle of Filipinos winning boxing, singing and beauty titles. Filipinos, specially the youth of our times, have been misled to believe that one’s self is more important than his people. We have grown to be individualistic, our sense of collective life denigrated to mainstream functions such as parties. We have been brought up to believe that the revolution need not be waged, unlike in other countries where their people take pride in their revolution. The revolution is not alien to them, and they are not alienated. In the Philippines, we are made to believe that if we are to wage a revolution, we must do it by buying clothes with Rizal or Bonifacio’s face, or staging a Facebook / online / virtual rally, Bonifacio will humble our youth and people with his exploits and examples. We will be humbled by how Bonifacio and the Katipunan revolution struggled to free us from colonial domination.
10. Cong. Palatino said that in UP, students can graduate without taking history subject. Hence, this further increases the growing disinterest in history among the youth who have very little knowledge about it. Is this true?
Yes. Since UP overhauled its general education curriculum via the Revitalized General Education Program (RGEP), an undergraduate student can choose what general education subjects to take. History subjects, therefore, become only options. And this negatively impacts on the students’ perceptions and ideals. I have students in PI 100, who did not choose to take general education History subjects, who still think that the Americans saved and liberated us. When asked with the question “When did the Philippine Revolution happen?”, there are still senior UP students who think that the Revolution took place in 1986, along EDSA.
11. If yes, what do you think needs to be done to make history appealing so more young people will be interested to study it? How should history be taught?

History is not about memorizing facts and figures, though these are of course necessary and important. The best way to teach any subject is to connect the past to the present in order to be able to decisively predict a future for our students. History, is in fact, not a boring discipline. It is the method of teaching history and the regurgitating notion that history is all about the past are the reasons why history seems to less appealing to students. History doesn’t only mean past. History is also the present and the future. I teach history by using popular cultural materials (such as commercial songs, youtube files, and internet materials referring to history) and connecting these to historical documents and materials. This way, students are not alienated by the seeming backtracking of history, but are rather motivated to connect these historical documents and materials to their present lives.

RH Bill & Sexuality Education

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Videos | Bidyo on April 2, 2011 at 1:28 am

HINGGIL SA COMPREHENSIVE REPRODUCTIVE HEALTH BILL.

 

Nagsagawa ang UP Diliman University Health Service (UHS) sa pakikipagtulungan sa UP Diliman Gender Office (DGO) at Gabriela Women’s Party (GWP) ng forum na “Comprehensive Reproductive Health Bill Action Forum” sa Conference Room ng UPS, UP Diliman noong Marso 18, 2011. Nagsalita si Ma’am Ger ng Gabriela at si Rep. Emi De Jesus ng GWP. Salamat kina Tita Connie, Ness at Prop. Marion Tan, direktor ng DGO, para sa imbitasyon. Nagsilbi bilang dalawa sa limang reaktor si Prop. Mykel Andrada, Presidente ng All UP Academic Employees Union-Diliman Chapter, at si Gng. Shirley Cabrera ng Gender Committee ng All UP Workers Union, kasama si College of Home Economics (CHE) Dean Mayo, ang head ng Gender Desk ng UPHS, at si Vice Chancellor for Student Affairs Dr. Elizabeth Enriquez.

Bidyong kuha ni Lisa Marie Clemente ng All UP Workers Alliance.

EI: FlipTop ng Ating Panahon

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on March 22, 2011 at 4:27 am
Magandang araw po. Ako po si Marcel Angelo C. Balabbo, isang estudyante sa UP Manila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pagsasaliksik tungkol sa FlipTop bilang makabago at modernong anyo ng Balagtasan para sa aking asignaturang Komunikasyon 2. Ako po ay estudyante ni Prof. Rose Roque at nasabi po niya na naging guro daw po niya kayo at maaari ko raw po kayong ma-interview online.
Bago po ang mga tanong, narito po ang isang link ng sampol ng FlipTop na maaari ninyong mapanood.
Ito po ang ilan sa mga tanong.
1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop?
a. elemento
b. pamamaraan
c. proseso
2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan?
3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop?
4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop?
5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad?
Maraming salamat po.

* * * *

hi marcel! pasensiya na sa huling reply. sana makahabol pa ang mga sagot ko sa mga tanong mo para sa iyong papel. heto na 🙂

 

1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop?
a. elemento
b. pamamaraan
c. proseso
Kumpara sa pormal na Balagtasan, itong FlipTop ay walang malinaw na topic o subject. Sa Balagtasan kasi, pormal na inihahapag ang isang paksa, na siyang pag-iisipan ng dalawang panig at pagdedebatehan. Yung Balagtasan, hindi lang yan sa anyong oral o pasalita, kasi maging sa printed form sa mga diyaryo dati ay nagsasagutan ng Balagtasan. Sa FlipTop, magto-toss coin lang para malaman kung sino ang unang babanat o hihirit ng kaniyang rap. Parehong may time constraint, bagama’t sa Balagtasan ay mas sa bilang ng mga taludtod o saknong ang basehan. Kung ano ang simulang paksa ng nasabing FlipTop participant, ito ang sasagutin o titiradahin ng kaniyang kakumpetensiya.
Pero tulad ng Balagtasan, malinaw na mayroong ideyal na konsepto ng paraan ng pagsagot o rebuttal sa FlipTop. Kung tutuusin, ang Balagtasan at FlipTop ay parehong dicho o dichohan, o oral na debate, at nangangahulugan ito na kailangang sumunod sa batas ng katuwiran. Ano ang ibig sabihin ng batas ng katuwiran? Maaari mong gawing reference materials para sa Balagtasan ang librong Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya ni Galileo Zafra.
Sa librong Balagtasan ni Zafra, binigyan niya ng katangian at buod kung ano ang lohika at pilosopiya ng pagtulang Balagtasan. Sinabi niya roon na nakasandig sa nosyon ng katuwiran ang pagkikipagbalagtasan. Ibig sabihin, ang pagsagot sa balagtasan ay pagsagot nang tiyak at nasa punto. Kapag ang punto ng isang kalahok, halimbawa, ay kaniyang ipinatawid sa pamamagitan ng alusyon sa hayop, dapat ang rebuttal ay tapatan ang nasabing punto sa pamamagitan rin ng alusyon sa hayop, o di kaya’y ang “pagbaligtad” sa katuwiran ng alusyon sa hayop. Kailangan ay sinasagot ng rebuttal ang pangunahing punto, at mas maganda na bukod sa tatapatan ito ay lalagpasan ito. Ang mga Balagtasan noon ay kalakhan tungkol sa sosyo-politikal na klima ng bansa, bagama’t mayroong mga balagtasan na di naman kontrolado ng simbahan o gobyerno. Pero ang kalakhan ng mga pinag-aralan ni Zafra na Balagtasan ay nagpapatalos ng sosyo-politikal na klima, noong panahon ng kolonyalismo / imperyalismong Amerikano, halimbawa.
Sa kaso naman ng mga FlipTop sa kasalukuyan, ibang-iba ang mga pinapaksa rito, sapagkat di naman regulated yung paksa. Freestyle nga, kumbaga. Kaya kadalasan, ang mauunang mag-rap-debate ang siyang titirada, at madalas, sa mga FlipTop ay “pataasan ng ihi” o “paguwapuhan” ang nagiging sistema. Nauuwi ito madalas sa pisikal na patutsadahan lamang; paglait sa pisikal na hitsura ng kapuwa. Bagama’t mayroong pagkakataon sa FlipTop na bukod sa pisikal na insultuhan ay nagiging punto rin ng pang-iinsulto ang social class o panlipunang uri na pinagmulan ng mga kalahok. Halimbawa, sa isang FlipTop sa pagitan nina Batas at Delio, tinawag na iskwater ni Batas si Delio. Kung tutuusin, wala na sa lohika ng katuwiran ang pinagbababato ni Batas, sapagkat kung tirahin siya ni Delio ay sa pamamagitan ng pisikal o di kaya’y  intelektwal na patutsada, ay ang isinasagot ni Batas ay panglalait sa uring panlipunan ni Delio. Samakatuwid, walang istriktong batas o lohika sa FlipTop. Basta makapang-insulto lamang.
Bagamat, siyempre, hindi naman ito lagi. Ibig sabihin, mayroon ring mga FlipTop na “matino” at “matuwid” at mayroon itong potensiyal na tumalakay ng mas malalim at mas malawak na mga isyung pambansa at panlipunan, tulad nang naisagawa noon sa Balagtasan. Para sa reference tungkol sa sining ng pang-iinsulto, magandang mabasa mo ang sanaysay na “The Art of the Insult” ni Resil Mojares na matatagpuan sa kaniyang librong House of Memory.
2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan?
Oo, maituturing itong makabagong sining pampanitikan. Pero magandang tingnan na nag-evolve ito mula sa Beat Poetry, Spoken Poetry, at lalo na sa Freestyle na dumating sa Pilipinas. Ang rap kasi ay isang sikat na porma ng panitikan laluna sa mga urban poor na komunidad, at maging sa mga lumpen proletaryado. Mayabong na itong pamamaraang pampanitikan para sa pagpapaabot ng mga isyung personal hanggang politikal.
3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop?; 4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop? at 5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad?
Para sa akin ay malaki ang potensiyal ng FlipTop para sa kalagayan ng sining at panitikan. Kung sikat ito sa masa, maaari itong maging alternatibo sa pagpapatalos ng mga diwang makabayan at mapagpalaya. Sana ay magkaroon ng kilusan o movement, o di kaya’y i-empleyo ng mga aktibista at progresibo ang sining ng FlipTop para sa mga transgresibong proyekto nito. Tingin ko’y tulad ng sa tradisyong protesta at rebolusyonaryo na nakita natin sa mga oral na panitikan ng Pilipinas, mula dasal tungong FlipTop, ay maaaring magkaroon ng subversion. Kung ang mga dasal ay ginamit ni Marcelo H. del Pilar para i-kritika ang kolonyalismo at frailokrasiya, maaari ring ang FlipTop ay magsilbing porma upang i-kritika ang tiwaling mga sistemang nagpapatakbo ng ating bansa at mundo. Bakit hindi natin gawan ng FlipTop ang isyu ng Porsche ni Noynoy sa Matuwid na Daan?

Transgressing Transphobia, Transgressing Labels

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on March 13, 2011 at 11:38 pm

by Mykel Andrada

What needs to be addressed in this issue is the subject-position of the persons and ideologies involved. It is clear that the teacher, in a classroom set-up, occupies the position of power, while students struggle it out to empower themselves. Religion becomes an issue in an institution that supposedly believes in academic freedom if the teacher uses her ideology (religion) to marginalize her students. It can thus be asked, “Does the teacher use her religion to mark or grade her students?” If the teacher uses religion as a parameter to grade students, there is an obvious opening for ideological bias, either to denigrate or uplift her students’ academic standing.

Is such the case with Hender?

In Hender’s case, she was actually told by her teacher that she can’t acknowledge Hender as a “she” because of legal-biological reasons and because of her religious standpoint. Here lies the problem. Puwedeng sabihin na “Wala pa naman tayong batas tungkol diyan!” O kaya ay puwedeng tanungin, “Pero di ba dapat irespeto rin ang relihiyon ng guro?” Kung ganun lang ang punto, e di maging anarkista na lang tayong lahat! Pero hindi iyon ang kaso. Kailangang tingnan na mayroong dominanteng batas at relihiyon, at mayroong dominanteng sistemang lumikha ng mga batas at relihiyon. Ang kontrapuntal (counterpoint) dito ng mga transgender ay gender-biased kasi ang batas at ang relihiyon. Ibig sabihin, ang batas at ang dominanteng relihiyon ay hetero-sexist at patriarchal. At ang batas at dominanteng relihiyon ay chauvinist.

It should be recognized that the rise of the notion of transgender is brought about by a long history of the struggles of social movements that advocate equality among sexes, genders and sexualities. It is an obvious action to eradicate homophobia, transphobia and other sexist hegemonic aggressions.

Hender is obviously in the subject-position of the marginalized gender and ideology. Though marginalized by society, transgenders do not simply succumb to the norms of a hetero-patriarchal society. “Bakit ba kasi nagpuputok ang butsi ni Hender kung ayaw siyang tawaging ‘she’ ng titser niya?” Labeling is not simply an issue of nomenclature. It is part of a move to confront sexist and chauvinist conventions and norms. It can be considered a step to progress transgender empowerment, though it is neither the zenith nor the end of the liberation movement.

Suffice it to say, the struggle to liberate all sexes, genders and sexualities does not end in claiming labels and sex and gender assignations. Di rin naman dapat sa names/labels natatapos ang laban ng LGBTQIs (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersexed). Pero dapat talagang ipatalos na kung sa labels pa lang ay nililikida ka na, paano pa kaya sa mas malalaking isyu na kumokompronta sa minamardyinalisang mga kasarian at sexualidad? Ngayon, higit kailan pa man, dapat kolektibong pinapataas ang antas ng kamulatan, lampas sa pagbibigay ng pangalan o kategorya. Ang pagpapamulat tungkol sa LGBTQIs ay hindi lamang para palayain ang LGBTQIs kundi palayain ang lahat ng tao, kasarian, at sexualidad mula sa mapang-aping mga transaksiyon ng lipunan.

That’s why we should support Hender’s fight and stand up for our rights!

 

Mykel Andrada. Iba, QC. March 13, 2011. Around 11pm.

Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on December 14, 2010 at 2:58 am

Ngayon ko lang muli naranasan na pinagbabangga ang aktibismo at pang-akademikong kahusayan. Walang duda, bahagi ng kontinuum, bahagi ng makapal na sinulid na nagdurugtong sa mga estudyante at sa edukasyon, itong tila magkatunggaling konsepto. Ngunit naroon ang kahungkagan sa mismong perspektiba na magkalaban itong dalawang dulo, pilit na pinaghihiwalay.

Sa buong kasaysayan ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas, wala tayong maituturing na iisang klase ng edukasyon: kalakhan ay nananatiling kolonyal at represibo, sumasagitsit ang komersyalisasyon ng larangang ito, ngunit lagi’t laging sumusulpot, lumalakas at umuunlad ang makabayan at mapagpalayang pagturan sa edukasyon. Laluna nitong nagdaang mga dekada, kung kailan ang kolonyal, represibo at komersyalisadong karakter ng estado at naghaharing uri ay mariing binabangga ng mapagpalaya’t progresibong edukasyon ng mga kilusang panlipunan at ng mismong mamamayan.

Sa aking mga klase, dalawang klase lamang ng aktibista ang naging mga estudyante ko, magmula man sila sa iba’t ibang partido politikal sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Una, ang nagkukunwang may pakialam ngunit sa katunayan ay indibidwalista. Ikalawa, ang may pakialam at handang magsakripisyo. Hayaan ninyong ipaliwanag ko.

Minsan, tinanong ko sa klase kung sino-sino sa kanila ang aktibista. Mabilis na nagsitaasan ang mga asul-an at dilaw-an. Tinanong ko kung ano ang depinisyon nila ng pagiging aktibista. Narito ang kanilang retorika: ang mahusay na naglilingkod sa estudyante habang nababalanse ang gawaing pampaaralan. Palakpakan ang kanilang mga tenga, palakpakan ang kanilang mga palikpik. Nagtanong ako kung may aktibista ba na mula sa partidong kilala sa pagru-room-to-room, pagra-rally, pagsta-strike, pagpapapirma ng signature sheets, pamimigay ng polyeto. May iilang nagtaasan ng kamay. Nakapagtatakang iilan lamang ang nagtaas ng kamay. Ngunit hindi naman rin talaga nakapagtataka. Ang sagot nila sa tanong ko kung ano ang depinisyon nila ng aktibismo: iyong sa teorya at praktika ay nasa larangan ng laban at digmaan. Wala sila sa klase sa panahong iyon. Dahil ang panawagan ng lipunan at ng masang estudyante ay ang lumabas ng klasrum at makiisa sa rally, strike at mga popular na pagkilos ng estudyante laban sa budget cut at iba pang tiwalang pamamalakad ng unibersidad, pamahalaan, at monopolistang dayuhan.

Ano ngayon ang kanilang kaibahan? Ang unang klase ng aktibista ay lalahok sa rally kapag walang exam. Ang ikalawang klase ng aktibista ay lalahok sa rally kahit na pasistahin pa sila ng guro at sabihing ang mag-rally ay tiyak na babagsak sa exam. Sa unang tingin, kahanga-hanga ang unang aktibistang “nababalanse” ang aktibismo at pag-aaral. Anila, hindi lamang sa pagra-rally nasusukat ang aktibismo. Para paniwalaan ang isang aktibista — ang isang lider-estudyanteng aktibista — ay dapat pumapasok siya sa eskwela, hindi lang basta naka-enroll. Pangunahin para sa kanila ang pagpasok sa klase, pagsusumite ng mga takdang-aralin, pagkuha ng mga exam, pagpasa sa klase, at hindi pagka-dismiss sa programa ng departamento at kolehiyo. Kahanga-hanga ito, ngunit ito’y kahanga-hanga lamang sa isang perpektong lipunang walang anumang kontradiksyon, walang anumang kahirapan at pagmamalabis ng iilan. O mas tama yatang sabihin na kahanga-hanga ito sa isang mundong burgis, na nag-aastang walang anumang kontradiksyon sa lipunan.

Ngunit ang katotohanan ay batbat ng kontradiksyon ang lipunan. Paano matinong makapag-aaral sa klase ang mga mag-aaral ng UP Manila Extension Program sa Palo, Leyte, kung hindi dumarating ang kanilang allowance pambili ng pagkain bunga ng pagkaltas sa badyet sa edukasyon? Paano matinong makapag-aaral sa klase ang isang estudyanteng ilang oras nang zombie dahil sa sabay na pagtatrabaho sa call center at pabrika habang iniraraos ang digri sa kolehiyo? Paano makapag-aaral nang mabuti at mapayapa ang isang aktibista at lider-estudyanteng aktibista kung tinatawag siya ng responsibilidad sa sektor at sa lipunan na kanilang sinumpaan sa kanilang mamamayan? Hindi kasi perpekto ang lipunan. At ang mga aktibista’t lider-estudyanteng ito ay nagsusulong ng digmaan laban sa imperpektong sistema. Bakit mo sila pupulaan? Bakit target ngayon ng mga asul-an at dilaw-an ang mga pula-han?

Hindi pagpapabaya ang pagliban sa klase dahil sa pagtugon sa mga responsibilidad ng isang aktibista at isang aktibistang lider-estudyante. Ang tawag doon ay mataas na uri ng sakripisyo. Na dapat hangaan at tularan. Hindi laging nangangahulugan ang mababa o bagsak na grado bilang pagpapabaya, bilang kabobohan. Kailangang suriin ang uri ng pagliban sa klase o pagbagsak sa eskwela: ito ba’y sakripisyong bunga lamang ng pagmomoda sa burgis na pag-ibig at paglalango sa alak ng kapitalismo; o ito ba’y sakripisyo para sa pag-ibig sa bayan, pag-ibig na lampas pa sa sarili’t sarili? Sakripisyo para sa layuning lahat ng mag-aaral ay makapag-aral at patuloy na makapag-aral. Sakripisyo para sa malayang lipunan.

Ang tunay na kapabayaan ay iyong isinasakripisyo ang paglilingkod sa bayan para makakuha ng hungkag na uno at mataas na grado mula sa neoliberal at pasistang sistema. E, ano kung uno ka kung hindi ka naman tunay na naglingkod sa masa! Aanhin mo ang laude kung ang utak mo’y puro tae. Madaling maging honorable at academically excellent na estudyante, pero mahirap ang maging pula-hang aktibistang lider-estudyante.