e-mykel

Archive for March, 2011|Monthly archive page

EI: FlipTop ng Ating Panahon

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on March 22, 2011 at 4:27 am
Magandang araw po. Ako po si Marcel Angelo C. Balabbo, isang estudyante sa UP Manila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pagsasaliksik tungkol sa FlipTop bilang makabago at modernong anyo ng Balagtasan para sa aking asignaturang Komunikasyon 2. Ako po ay estudyante ni Prof. Rose Roque at nasabi po niya na naging guro daw po niya kayo at maaari ko raw po kayong ma-interview online.
Bago po ang mga tanong, narito po ang isang link ng sampol ng FlipTop na maaari ninyong mapanood.
Ito po ang ilan sa mga tanong.
1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop?
a. elemento
b. pamamaraan
c. proseso
2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan?
3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop?
4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop?
5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad?
Maraming salamat po.

* * * *

hi marcel! pasensiya na sa huling reply. sana makahabol pa ang mga sagot ko sa mga tanong mo para sa iyong papel. heto na ūüôā

 

1. Ano ang karakteristiks ng Balagtasan ang makikita sa FlipTop?
a. elemento
b. pamamaraan
c. proseso
Kumpara sa pormal na Balagtasan, itong FlipTop ay walang malinaw na topic o subject. Sa Balagtasan kasi, pormal na inihahapag ang isang paksa, na siyang pag-iisipan ng dalawang panig at pagdedebatehan. Yung Balagtasan, hindi lang yan sa anyong oral o pasalita, kasi maging sa printed form sa mga diyaryo dati ay nagsasagutan ng Balagtasan. Sa FlipTop, magto-toss coin lang para malaman kung sino ang unang babanat o hihirit ng kaniyang rap. Parehong may time constraint, bagama’t sa Balagtasan ay mas sa bilang ng mga taludtod o saknong ang basehan. Kung ano ang simulang paksa ng nasabing FlipTop participant, ito ang sasagutin o titiradahin ng kaniyang kakumpetensiya.
Pero tulad ng Balagtasan, malinaw na mayroong ideyal na konsepto ng paraan ng pagsagot o rebuttal sa FlipTop. Kung tutuusin, ang Balagtasan at FlipTop ay parehong dicho o dichohan, o oral na debate, at nangangahulugan ito na kailangang sumunod sa batas ng katuwiran. Ano ang ibig sabihin ng batas ng katuwiran? Maaari mong gawing reference materials para sa Balagtasan ang librong Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya ni Galileo Zafra.
Sa librong Balagtasan ni Zafra, binigyan niya ng katangian at buod kung ano ang lohika at pilosopiya ng pagtulang Balagtasan. Sinabi niya roon na nakasandig sa nosyon ng katuwiran ang pagkikipagbalagtasan. Ibig sabihin, ang pagsagot sa balagtasan ay pagsagot nang tiyak at nasa punto. Kapag ang punto ng isang kalahok, halimbawa, ay kaniyang ipinatawid sa pamamagitan ng alusyon sa hayop, dapat ang rebuttal ay tapatan ang nasabing punto sa pamamagitan rin ng alusyon sa hayop, o di kaya’y ang “pagbaligtad” sa katuwiran ng alusyon sa hayop. Kailangan ay sinasagot ng rebuttal ang pangunahing punto, at mas maganda na bukod sa tatapatan ito ay lalagpasan ito.¬†Ang mga Balagtasan noon ay kalakhan tungkol sa sosyo-politikal na klima ng bansa, bagama’t mayroong mga balagtasan na di naman kontrolado ng simbahan o gobyerno. Pero ang kalakhan ng mga pinag-aralan ni Zafra na Balagtasan ay nagpapatalos ng sosyo-politikal na klima, noong panahon ng kolonyalismo / imperyalismong Amerikano, halimbawa.
Sa kaso naman ng mga FlipTop sa kasalukuyan, ibang-iba ang mga pinapaksa rito, sapagkat di naman regulated yung paksa. Freestyle nga, kumbaga. Kaya kadalasan, ang mauunang mag-rap-debate ang siyang titirada, at madalas, sa mga FlipTop ay “pataasan ng ihi” o “paguwapuhan” ang nagiging sistema. Nauuwi ito madalas sa pisikal na patutsadahan lamang; paglait sa pisikal na hitsura ng kapuwa. Bagama’t mayroong pagkakataon sa FlipTop na bukod sa pisikal na insultuhan ay nagiging punto rin ng pang-iinsulto ang social class o panlipunang uri na pinagmulan ng mga kalahok. Halimbawa, sa isang FlipTop sa pagitan nina Batas at Delio, tinawag na iskwater ni Batas si Delio. Kung tutuusin, wala na sa lohika ng katuwiran ang pinagbababato ni Batas, sapagkat kung tirahin siya ni Delio ay sa pamamagitan ng pisikal o di kaya’y ¬†intelektwal na patutsada, ay ang isinasagot ni Batas ay panglalait sa uring panlipunan ni Delio. Samakatuwid, walang istriktong batas o lohika sa FlipTop. Basta makapang-insulto lamang.
Bagamat, siyempre, hindi naman ito lagi. Ibig sabihin, mayroon ring mga FlipTop na “matino” at “matuwid” at mayroon itong potensiyal na tumalakay ng mas malalim at mas malawak na mga isyung pambansa at panlipunan, tulad nang naisagawa noon sa Balagtasan. Para sa reference tungkol sa sining ng pang-iinsulto, magandang mabasa mo¬†ang sanaysay na “The Art of the Insult” ni Resil Mojares na matatagpuan sa kaniyang librong¬†House of Memory.
2. Maituturing ba ang FlipTop bilang isang makabagong sining pampanitikan?
Oo, maituturing itong makabagong sining pampanitikan. Pero magandang tingnan na nag-evolve ito mula sa Beat Poetry, Spoken Poetry, at lalo na sa Freestyle na dumating sa Pilipinas. Ang rap kasi ay isang sikat na porma ng panitikan laluna sa mga urban poor na komunidad, at maging sa mga lumpen proletaryado. Mayabong na itong pamamaraang pampanitikan para sa pagpapaabot ng mga isyung personal hanggang politikal.
3. Bilang eksperto at propesor sa Filipino, ano ang inyong opinyon sa FlipTop?; 4. Malayo ba ang mararating ng FlipTop? at 5. Paano ito mapapalago at mapapaunlad?
Para sa akin ay malaki ang potensiyal ng FlipTop para sa kalagayan ng sining at panitikan. Kung sikat ito sa masa, maaari itong maging alternatibo sa pagpapatalos ng mga diwang makabayan at mapagpalaya. Sana ay magkaroon ng kilusan o movement, o di kaya’y i-empleyo ng mga aktibista at progresibo ang sining ng FlipTop para sa mga transgresibong proyekto nito. Tingin ko’y tulad ng sa tradisyong protesta at rebolusyonaryo na nakita natin sa mga oral na panitikan ng Pilipinas, mula dasal tungong FlipTop, ay maaaring magkaroon ng subversion. Kung ang mga dasal ay ginamit ni Marcelo H. del Pilar para i-kritika ang kolonyalismo at frailokrasiya, maaari ring ang FlipTop ay magsilbing porma upang i-kritika ang tiwaling mga sistemang nagpapatakbo ng ating bansa at mundo. Bakit hindi natin gawan ng FlipTop ang isyu ng Porsche ni Noynoy sa Matuwid na Daan?

Transgressing Transphobia, Transgressing Labels

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon on March 13, 2011 at 11:38 pm

by Mykel Andrada

What needs to be addressed in this issue is the subject-position of the persons and ideologies involved. It is clear that the teacher, in a classroom set-up, occupies the position of power, while students struggle it out to empower themselves. Religion becomes an issue in an institution that supposedly believes in academic freedom if the teacher uses her ideology (religion) to marginalize her students. It can thus be asked, “Does the teacher use her religion to mark or grade her students?” If the teacher uses religion as a parameter to grade students, there is an obvious opening for ideological bias, either to denigrate or uplift her students’ academic standing.

Is such the case with Hender?

In Hender’s case, she was actually told by her teacher that she can’t acknowledge Hender as a “she” because of legal-biological reasons and because of her religious standpoint. Here lies the problem. Puwedeng sabihin na “Wala pa naman tayong batas tungkol diyan!” O kaya ay puwedeng tanungin, “Pero di ba dapat irespeto rin ang relihiyon ng guro?” Kung ganun lang ang punto, e di maging anarkista na lang tayong lahat! Pero hindi iyon ang kaso. Kailangang tingnan na mayroong dominanteng batas at relihiyon, at mayroong dominanteng sistemang lumikha ng mga batas at relihiyon. Ang kontrapuntal (counterpoint) dito ng mga transgender ay gender-biased kasi ang batas at ang relihiyon. Ibig sabihin, ang batas at ang dominanteng relihiyon ay hetero-sexist at patriarchal. At ang batas at dominanteng relihiyon ay chauvinist.

It should be recognized that the rise of the notion of transgender is brought about by a long history of the struggles of social movements that advocate equality among sexes, genders and sexualities. It is an obvious action to eradicate homophobia, transphobia and other sexist hegemonic aggressions.

Hender is obviously in the subject-position of the¬†marginalized gender and ideology. Though marginalized by society, transgenders do not simply succumb to the norms of a hetero-patriarchal society. “Bakit ba kasi nagpuputok ang butsi ni Hender kung ayaw siyang tawaging ‘she’ ng titser niya?” Labeling is not simply an issue of nomenclature. It is part of a move to confront sexist and chauvinist conventions and norms. It can be considered a step to progress transgender empowerment, though it is neither the zenith nor the end of the liberation movement.

Suffice it to say, the struggle to liberate all sexes, genders and sexualities does not end in claiming labels and sex and gender assignations. Di rin naman dapat sa names/labels natatapos ang laban ng LGBTQIs (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersexed). Pero dapat talagang ipatalos na kung sa labels pa lang ay nililikida ka na, paano pa kaya sa mas malalaking isyu na kumokompronta sa minamardyinalisang mga kasarian at sexualidad? Ngayon, higit kailan pa man, dapat kolektibong pinapataas ang antas ng kamulatan, lampas sa pagbibigay ng pangalan o kategorya. Ang pagpapamulat tungkol sa LGBTQIs ay hindi lamang para palayain ang LGBTQIs kundi palayain ang lahat ng tao, kasarian, at sexualidad mula sa mapang-aping mga transaksiyon ng lipunan.

That’s why we should support Hender’s fight and stand up for our rights!

 

Mykel Andrada. Iba, QC. March 13, 2011. Around 11pm.