e-mykel

KONTRA-DAYA MONITORING, Mayo 10, 2010

In Issues| Isyu, Personal Essay | Personal na Sanaysay on May 11, 2010 at 1:44 pm

Ang Kontra-Daya at ACT Teachers Partylist-UP Diliman team namin nina Shawee at Bernadette, at ng Ateneo graduate na pinsan ni Shawee na si Nana, ay naglibot kahapon, Mayo 10, 2010, para magmonitor ng pambansang eleksyon. Apat na voting precincts ang naitoka sa amin: Claret School, Krus na Ligas, Balara Elementary School (plus La Vista) at Miriam College. Narito ang nakalap namin:

1. Claret School – Mayroong tatlong PCOS machines, humigit-kumulang 1,000 rehistradong botante. At as of 5pm ay nagtala na ito ng 76% voter turnout. Wala namang aberya o problema. Maraming salamat sa taga-PPCRV na si G. Gudolph Villapando sa pagpapaunlak sa mga katanungan ni Shawee🙂

2. Krus na Ligas – Mayroong 10 clustered precincts na nag-a-average ng 800 registered voters kada presinto. As of 6pm, tinatayang nasa 2/3 ng kabuuang registered voters na ang nakaboto, ayon kay G. Joselito Francisco ng PPCRV. Isang PCOS machine ang hindi gumana simula umaga dahil sa sirang CF Card. Itinimbre nila agad ito sa COMELEC at midya kung kaya’t dumating ang ilang elemento ng mass media. Nakaboto naman sa naturang presinto ngunit itinabi muna ang mga balota hangga’t hindi pa dumarating ang CF card na magmumula pa sa Cavite, para sa canvassing. Maraming salamat kay G. Francisco🙂

3. Balara Elementary School (plus La Vista) – Mayroong 11 PCOS machines at 11,253 voting population, 85% nito ay nakaboto na as of 6:30pm. May ilang di nakaboto sapagkat wala sila sa listahan; ang iba’y bagong botante habang ang iba nama’y isa o dalawang eleksyon nang hindi nakaboto. Samantala, sa La Vista, na hawak rin ng PPCRV ng Balara Elementary School, mayroong dalawang (2) PCOS machines. Nakapagrehistro ang nasabing presinto ng 75% ng pangkabuuang boto as of 6pm. Maraming salamat kina Atty. Warren, G. Antonino Herrera at G. Florencio Agluba ng PPCRV at Knights of Columbus.


4. Miriam College – Mayroong walong (8) PCOS machines at humigit-kumulang 6,000 rehistradong botante. Tatlong PCOS machines ang pansamantalang nagkaaberya, ngunit naayos naman agad. Mayroong kaso ng mga hindi pagboto dahil wala sila sa listahan; hindi nakaboto nang isa o dalawang eleksyon na. Maraming salamat sa mga babaeng (mukhang)-estudyante na miyembro ng PPCRV na nagtiyagang sagutin ang aming mga katanungan. (Pasensiya na, nakalimutan ko na ang pangalan ninyo)

5. UPIS – Dito nagbantay sina Staff Regent Buboy Cabrera, AUPWU Diliman Chapter President Felix Parinas, Tita Baby Parinas, Kuya Noel Marquinia at Ate Connie Marquinia. Panalo dito sina Liza Maza, Satur Ocampo, at ang ACT Teachers Partylist! Dumating kami ni Lisa para tumulong sa pollwatching. Matapos ang umaatikabong kuwentuhan, umuwi na kami🙂

Mga larawang kuha ni Mykel Andrada | Mayo 10, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: