e-mykel

Pagboto para sa mga Progresibo Ngayong Mayo 10, 2010

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on May 10, 2010 at 2:46 pm

Dumating kami ng kapatid ko dito sa Quezon City mula sa Sampaloc, Quezon Province around 8:30am. Kumain at naligo saglit at sumunod na sa mga magulang namin upang bumoto sa covered court ng Brgy. Sta. Teresita, Quezon City. Naiwan ko pa ang I.D. ko kaya pinauna ko na ang kapatid ko.

Pagdating ko sa covered court na nagsisilbing presintong pang-eleksyon, ang haba ng pila; halos umabot na sa palengke. Bumalik ako sa bukana ng court at nakapasok sa loob kung saan nakita ko ang kapatid kong si Mark. Di kami magkapareho ng presinto. Nakita ko sina Shiela at Ate Fhe na 9am pa nakapila. Around 10:30am na ako dumating sa presinto. Nalaman kong pareho pala kami ng pipilahan kahit na magkaiba ng presinto. Clustered precinct 205 kami. Salamat dahil pinasingit nila ako sa pila. Sabi ko, “Bakit ang haba ng pila ngayon? Dati ambilis lang a!” Medyo mas mabilis nakaboto ang mga magulang ko dahil senior citizens na sila, hehehehe!🙂

Nagpicture-picture kami. Nakipaghuntahan sa mga katabi (wink, wink!). Nakita namin si Irene Kho, yung nanay ni Hayden Kho. Di ko siya napicture-an.

Nung malapit na akong papasukin sa presinto, nakasalubong ko yung kapitbahay namin at tinanong ko kung madali lang ba bumoto. Sabi niya madali lang raw. Pero ingatan raw ang pag-shade kasi may mga “naniniko” raw sa botohan. Unahin raw ang pagbilog saka i-shade ang loob. May nagalit na baranggay official (ata) kasi nagkagulo sa pila at nagdumugan sa isang presinto. Understandable naman dahil 12nn na halos.

Habang nakaupo kami sa mga monoblock chairs, kitang-kita ko ang PCOS Machine ng Smartmatic. Mukha itong glamorous na basurahan, o kaya ay xerox machine, hehehehe. Nung turn ko na, kinabahan ako sa pagshade; di ko nasundan yung sinabi ng kapitbahay naming laging nagbabasketbol. Limang shade lang ang ginawa ko: Presidente, Senatoriables Liza Maza at Satur Ocampo, ACT Teachers Partylist at aspiring QC Mayor Roberto Sombillo. Sa sobrang kaba, di ko na napicture-an yung balota ko. Hindi ko rin makita sina Shiela at Ate Fhe kaya di ako nakapagpapicture habang isinusubo ko sa PCOS machine ang mahabang balota. Isinubo ng PCOS machine at sabi niya “Verifying” tapos ay buti na lang ay sabi nito na “Congratulations!” na ibig sabihin ay tinanggap ang aking limang shaded votes. Pinicture-an ko ang aking kanang hintuturo katapat ng PCOS machine.

Sa huling picture/shot na nakuha ko sa loob ng presinto, yung hilera ng mga bumoboto, pinagsabihan ako ng isang mabait na taga-PPCRV na bawal raw kumuha ng litrato. Pero promise, mabait at responsible talaga yung taga-PPCRV. Pinalabas na niya ako ng presinto at pakiwari ko lahat ng mata ay nakatitig sa akin kahit, hehehehe. It must be my Vietnamese Mao cap (c/o Piya) and my goatie!🙂

Sa labas, nakuhanan ko ng litrato ang napakaraming campaign posters na ito. Ang mga pader nga pala kung saan nakadikit o nakasabit ang mga posters na ito ay ang mga pader ng aming Barangay Hall. Dapat pala nakisabit na rin ako ng posters nina Satur Ocampo at Liza Maza at ng ACT Teachers Partylist, hehehehe🙂

mga larawang kuha ni Mykel Andrada; Brgy. Sta. Teresita, QC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: