e-mykel

Huwag Kayo: Tula kina Gloria & Roman at sa Toyota & Ayala

In Poetry | Tula on December 2, 2009 at 2:39 am

HUWAG KAYO
Mykel Andrada

Huwag kayong maniwala
Sa pakulo ng iba,
Na sa UP’y wala nang nagpoprotesta.
Na ang mga estudyante’y bahay-eskwela-
Technohub-bahay na lamang ang ruta
Na laos na ang ED at BMI;
Na ang RTR ay tinalo na
ng Facebook at Multiply.

Huwag kayong malula
Sa tayog ng mga gusali ng Ayala.
Huwag kayong malula
Sa tayog ng mga pangakong
Dito’y inilalako
Ng mga modernong pabrika
Ng tao: tawag dito, tawag doon,
Sagot dito, sagot doon,
Ano na nga ang tawag
Sa mga pabrikang ito
Na may panandaliang sagot
Sa mga tanong ng mundo?
Ano na nga ang tawag
Sa sistemang ito
Na walang pananagutan
Sa sinuman o anuman,
Liban sa kaniyang
Sariling pagkakakitaan?

Huwag kayong magalak sa tuwa
Kung sa loob ng UP
Pati ang kumpanya ng kotse
Ay nagpapatayo na rin ng gusali.
Huwag kayong matuwa sa galak
Kung ang inimbita ng Toyota
Ay ang laging tinotoyong
Panggulo ng bansa;
Tandaang ang kanilang proyekto’y
Edipisyo ng hungkag na progreso:
Una, sa ating lipunan,
Umaarangkada ang kanilang sasakyan
Kahit ang presyo ng langis ay sukdulan;
Kahit saan, kahit kalian,
Walang sagabal sa nagpapapasan.
Ikalawa, aanhin mo ang gusali
Kung ang nakatira ay kotse?
Ikatlo, aanhin mo ang gusali
Kung ang kamay na nagbasbas
Ay may mantsa ng dugong
Di makaskas-kaskas?

Huwag kayong magpatinag
Sa patutsada ng iba,
Na sa UP’y wala nang nagpoprotesta.
Na ang mga estudyante’y bahay-eskwela-
Technohub-bahay na lamang ang ruta.
Na laos na ang ED at BMI;
Na ang RTR ay tinalo na
ng Facebook at Multiply.

Mga artikulo at larawan ng pagkakaibigang kapitalistiko nina:
1. UP Pres. Roman, Gloria Arroyo at ng Toyota: http://www.op.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=1633&Itemid=38

2. Toyota Motors’ George Ty at UP Pres. Roman: http://www.up.edu.ph/upnewsletter.php?i=795&archive=yes&yr=2009&mn=1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: