e-mykel

Archive for the ‘Personal Essay | Personal na Sanaysay’ Category

FBI (Facebook Interview): Mga Kanta ng Eraserheads at Feminismo

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on March 8, 2014 at 1:42 pm

Mga sagot ko sa Facebook Interview ni Cloi Sugano ng UST Conservatory of Music hinggil sa kanilang pananaliksik sa Filipino na “Feministang Pagsusuri sa Imahe at Papel ng mga  Likhang Tauhang Babae sa Pilipinong Awitin ng Bandang Eraserheads.” Marso 8, 2014.

 

1. Ano ang katangian ng mga awiting pop culture?

Ang kulturang popular o popular culture ay nilikha hindi ng mamamayan kundi ng mga kapitalista, negosyante. O di kaya naman ay kumukuha ng mga manggagawa, composer, artista ang mga kapitalista, pinopondohan nila at binabayaran nila ang mga ito para lumikha ng iba’t ibang kultural na produkto tulad ng awit, pelikula, panitikan, teleserye. Ngunit ang mga ito’y nasa kontrol at kapangyarihan ng mga namumuhunang kapitalista, may-ari ng pinakamalalaking kumpanya sa telebisyon, pelikula at recording industry.

 

Kung kaya’t pag sinabing pop culture, hindi naman talaga ito sa simula popular sa masa. Ang pop culture na mayroon tayo ay artipisyal at burgis na kulturang popular na ipinapackage, inilalako at isinusubo ng mga negosyante sa mamamayan. Ang kulturang popular ay nilikha para sa kita, para tayo ay pagkakitaan. Hindi ito talaga mula sa mamamayan. Ang popularidad ay isang produkto ng masalimuot na sistema ng pang-uuto – ng pagbaha sa media na kanilang pagmamay-ari ng mga produktong kultural tulad ng pelikula, television shows, awit na gusto nilang ibenta sa mamamayan sa mataas na halaga.

 

Kaya sa kasalukuyan, ang awiting popular ay popular lamang dahil ito ay nasa kontrol ng mga negosyante at makapangyarihan. Kung ano ang gusto nilang gawing popular, iyon ang kanilang gagawing dominante sa industriya ng TV, radio at sine.

 

Ang mga awiting popular o awitin na nakapaloob sa kulturang popular ay kakakitaan ng mga katangian ng pagiging konsumerista, indibidwalista, kontra-babae at kontra-LGBT, burgis, pyudal at kolonyal. Konsumerista dahil binibigyan tayo na ang ideyal na bahay ay nasa mundo ng kapitalismo at konsumerismo – ang magkaroon ng maraming pera para magawa ang lahat ng bagay. Indibidwalista ito dahil hindi nito pinahahalagahan ang kolektibong pagkilos ng mamamayan at iniaasa lamang sa indibidwal o sarili ang kalayaan sa buhay at lipunan. Kontra-babae ito dahil ang awiting popular ay ginagamit ang babae para ibenta, ang kaniyang seksing katawan, ang sex per se. Gayundin, kontra-babae ito dahil isinasadlak nito ang babae sa pagiging pantahanan lamang, laruan lamang, puta at iba pang pangmamaliit at pambibiktima. Kontra-LGBT ito dahil bastos ito sa mga bakla, tibo, bisexual at transgender. Ginagawa lang nitong katatawanan ang LGBT. Burgis ito dahil kontra-mahirap ito. Lagi nitong minamaliit at minamasama ang mga manggagawa at magsasaka at mahihirap. Ang bida palagi na tagasagip ay mayaman, kapitalista. Pyudal ito dahil ipinapalaganap nito ang bulag na pagsunod sa mga batas ng pamahalaan, pamilya, simbahan at mga institusyon ng mga kapitalista at naghaharing uri, kahit na ang mga batas na ito ay mali, lisya at kontra-mamamayan. Kolonyal ito dahil ang sinasabing tagapagsagip ay dayuhang imperyalista. Iyan ang kalakhan ng awiting popular sa kasalukuyan.

 

 

2. Ano ang kaibahan ng paggamit ng kababaihan sa awtin ng Eraserheads sa ibang awiting pop na may tauhang kababaihan?

Iba-iba ang portrayal ng kababaihan sa mga awit ng Eraserheads. Kung susuriing mabuti, may mga kanta ang Eheads na mapagpalaya sa kababaihan ngunit marami rin ang kontra-kababaihan. Halimbawa, tinitingnan ng mga kantang tulad ng “Sembreak” ang babae bilang pantasya sa masturbatory practice ng lalaki. Habang yung mga kantang “With a smile” naman ay may sinserong pag-ibig sa babae. Marami pa iyan.

 

3. Ano ang pagkakapareho ng paggamit ng kababaihan sa awitin ng Eraserheads sa ibang awiting pop na may tauhang kababaihan?

Halos wala namang ipinagkaiba. Kasi dominante pa rin sa kaisipan ng Eheads sa mga kanta na ang tingin sa mga babae ay syota lang, pangtahanan, kaaway, kaibigan, minsan kasama sa pagpapalaya ng lipunan. Pero kalakhan ay sex object lang rin naman ang portrayal ng Eheads.

 

4. Ano ang kaibahan ng ng awiting pop ngayon sa mga awitin ng Eraserheads dati?

Yung mga awiting pop ngayon, yung ilan, ay mayroon namang pag-igpaw. Halimbawa, mga kanta ni Gloc 9, na tinatalakay ang mga pakikibaka ng mga kababaihang OFW at mahihirap, laluna yung mga kababaihang guro. Pero mas maraming awiting pop ang kontra-babae, sex object lang ang tingin sa babae at hindi pinapalaya ang babae.

 

5. Sa iyong palagay, ano ang implikasyon ng awiting pop culture sa pagtingin ng lipunan sa kababaihan?

Malaki. Kasi ang awitin at kahit ano pang midya at kultural na porma ay mga daluyan ng ideolohiya at politika. Kaya kung kontra-babae ang dominante sa awiting popular, malaki ang tsansa na kontra-babae ang matutunan ng tagapakinig. Puwede rin namang sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pag-aaral ay maipakita at matunggali ang kontra-babaeng ideolohiya sa pamamagitan ng peminista at marxistang kaisipan.

 

6. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Huling El Bimbo ng Eraserheads?

Isa ito sa mga kanta ng Eheads na masasabing nagtatalakay ng coming of age ng isang lalaki at isang babae. Ang nostalgia ng personang lalaki na nagsasalita sa kanta ay umaalala sa kanyang dalisay na karanasan noon sa kanyang iniibig na babae. Ipinakita sa El Bimbo kung ano ang kinahinatnan ng isang babae sa isang lipunang pinatatakbo ng makalalaking sistema (patriarkiya) at ng malakolonyal at malapyudal na lipunan na puno ng kahirapan. Ang babae ay naging tagahugas ng pinggan sa isang eskinita, malinaw na walang programa ang gobyerno para sa mahihirap, ang trabaho ay mahirap pero maliit ang sahod. Nasagasaan siya ng sasakyan, ngunit walang hustisyang nakamit. Kaya may bahagi na nagpapakita ito ng nararanasang pambibiktima sa babae, gayong ang kanta ay may hibo pa rin ng sexism dahil ang inaassume nitong tagapagligtas ng babae ay ang lalaki.

 

7. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Ligaya ng Eraserheads?

Dito pinapakita ang lalaking persona bilang manliligaw ng babae – at ang babae ay pinapangakuan ng kung ano-ano tulad ng paggawa ng thesis basta lamang sagutin ng “oo” ang lalaki. Parang bribery. Pero at the same time, ang inooffer ng lalaki ay “walang humpay na ligaya” sa “tanghali, sa gabi at umaga”. At ultimately, ang pangako “mabubuhay nang tahimik at buong ligaya.” Kaya tatanungin natin yung Eheads: ito ba yung mga pangako na bago o stereotype na pangako ng lalaking nanliligaw sa babae. Siyempre, yung kanta, panliligaw na kanta lang ito. At sinasabi ng lalaking persona sa kanta na hindi siya manyakis – ibig sabihin na pure at chaste ang hangarin sa babae at hindi sex na karaniwang istiryotipo. Puno ng pangako, tulad nang nakikita madalas sa lipunan. Relatively, safe ang kanta. Happy lang. Pero sa malalimang pagsusuri, hanggang dun lang iyon. Wala namang pangako ng emancipation talaga, though may pangako ng happy life.

 

8. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Magasin ng Eraserheads?

Kontra-babae ang kantang Magasin. Pangit ang trato ng lalaking persona sa kanyang ex-girlfriend noon. Niloko at pinaiyak pa nga niya ito. Nanghinayang siya nang makita sa magasin na ang ex niya ay maganda at sikat na. Nanghihinayang siya dahil maganda na ngayon ang ex niya samantalang basura ang trato niya sa babae noong pangit pa ito at magkasintahan sila. Nagulat siya nang malamang bold o porn magazine pala ang kinalalagyan ng kanyang ex. So dito makikita na sex object at pornographic object ang turing sa babae – ikinakalakal na laman sa merkado ng kalalakihan. Hindi nito pinalaya ang babae, sa katunayan, sa dulo ng kanta, napaka-macho (superior ang tingin sa lalaki) at sexist (inferior ang tingin sa babae) dahil sabi ng lalaking persona ay (1) sayang dahil wala o kulang ang pera niya pambili ng porn magasin at (2) sana sa susunod na isyu ay centerfold na ang ex niya. Ibig sabihin, sa halip na naisin niya na makalaya mula sa ganitong prostitusyon ng pornograpiya ang babae ay ninais pa niyang magpatuloy sa ganitong kalakaran ang ex niya. Walang pagmamahal sa babae, puro kalibugan lamang. Ginawa nitong ang relasyon niya sa babae ay konsumer (lalaki; bibili) at kinokonsumong produkto (babae; produkong sekswal na bibilhin).

 

9. Ano ang malalim na pagtingin ninyo sa awiting Spoliarium ng Eraserheads?

Komitment at pagnanais ng paglaya, na hindi matakasan ng isang lalaki. Bagama’t abstrakto ang kanta kung kaya’t wala naman talagang malinaw na mensahe ng paghulagpos mula sa lusak o dusting kalagayan. May pagnanais o attempt na humulagpos pero hindi matuloy.

 

10. Sa inyong tingin epektibo ba ang pop culture sa paghahayag ng kasalukuyang isyung kinahaharap ng mga kababaihan sa ating lipunan?

Hindi magaganap sa kulturang popular na palayain nang buong-buo ang kababaihan, dahil ang kulturang popular ay hawak ng iilan. May tinatawag na hegemony o gahum – isang makapangyarihang sistema – at ito’y nasa kapangyarihan ng iilan lamang – mga kapitalista, panginoong maylupa at mga burgesya, kasama rito ang dominanteng kaisipan ng patriarkiya bilang gahum na kontra-babae. Kaya ang kulturang popular sa kalakhan ay hindi kailanman magpapalaya sa kababaihan dahil ito ay ginagamit lamang para sa negosyo, para kumita, para panatilihin ang mga dominanteng kaisipan. Sa marami nang attempts sa history na magkaroon mga TV show, sine at kanta na nagpapalaya sa babae, ito ay nalulunod nang mga hegemoniya ng naghaharing uri at naghaharing kasarian. Hindi epektibo ang popular culture para matalakay nang buong-buo ang mga isyu ng kababaihan at para maghapag ng alternatibo para mapalaya ang kababaihan. Ika nga, the revolution will not be televised, sa mundo at lipunang pinaghaharian ng ayaw ng rebolusyon ng mamamayan. Kung gusting magpalaya ng kababaihan, kasama na ang iba pang inaaping sektor ng lipunan, kailangan ng rebolusyong pangkultura, o cultural revolution. Kailangan ang kultura ay maging sandata para palayain ang inaapi at gapiin ang nang-aapi. Puwedeng magbasa ng Mao Zedong articles on cultural revolution and women, nasa internet lang iyan. At higit sa lahat, hindi sapat ang cultural revolution lamang — kailangang mag-rebolusyon mismo ng kababaihan kasama ang lahat ng kasarian at siyempre yung rebolusyong iyon ay kasama dapat ang malawak na sambayanan ng iba’t ibang inaaping sektor at uring panlipunan.

EI: “Required” ba ang Campout sa Mendiola simula Disyembre 6, 2011?

In All UP Academic Employees Union, All UP Workers Union, Campout, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on December 4, 2011 at 4:02 pm

Mga Sagot ko sa mga tanong ni Victor Gregor Limon ng Philippine Collegian patungkol sa December 6 Campout sa Mendiola. Inemail niya ang mga tanong noong December 3, 2011. Ang kaniyang mga tanong ay nakahilig (italicized) at sinusundan ang mga ito ng aking mga sagot. Salamat! :)

1. Sa hanay po ng mga guro at iba pang empleyado ng UP, paano po ang paglahok natin sa camp-out ngayong Dec 6? and 3. Paano po ang kasalukuyang kampanya para mapalawak ang suporta mula sa mga guro at iba pang empleyado ng UP?

Isa sa challenges sa hanay ng mga guro, REPS at kawani ng UP ay ang mapalabas sila mula sa kanilang opisina at lumahok sa mga pagkilos tulad ng mobilisasyon, rali at ito ngang sa December 6 ay campout. Sa karanasan ng All UP Academic Employees Union at All UP Workers Union, ang mahigpit na kondisyon ng paggawa at ang peti-burgis na kamalayan ng maraming empleyado ng UP ang pangunahing mga hadlang sa partisipasyon nila sa mga mass mobilization. Ibig sabihin, kahit dama ang kahirapan at dama ang diskriminasyon, hindi madali ang paglabas ng opisina at unibersidad. Hindi mo naman sila puwedeng i-require na sumali sa rali. Para rin lang yan sa mga klase, hindi magandang tingnan na ang mga estudyante ay nire-require na sumali sa rali. Napapalabas natin ang mga empleyado at estudyante mula sa kanilang nakasanayang akademiko at administratibong routine kung napapataas natin ang kanilang kamalayang pampulitika lagpas sa pulitika ng kanilang personal na mga adhikain at pangarap. Tandaan, hindi required ang rali at hindi nirerequire ang rali. Sa pagkamulat sa mga tunay na isyu ng unibersidad at ng koneksyon nito sa lipunan, doon hahantong na mismong ang sarili na ang magrerequire sa kaniyang sarili na kumilos, kasama ang nakararami, nang walang pag-aalinlangan.
Ang kahit na anumang paglabas sa opisina, klasrum at unibersidad ay isang politikal at personal na sakripisyo. Ang pagbimbin sa trabaho, halimbawa, upang lumahok sa mga protesta at aksiyong masa ay hindi matatawaran sapagkat nagmumula ito sa kolektibong inisyatiba na kumilos nang hindi mag-isa kundi “kumilos kasama ng nakararami.”Kung magagawa natin na pagkaisahin ang bawat indibidwal upang lumikha ng kolektibo, mas malakas at mas makabuluhan ang aksiyong masa. Of course, that is not to say that individual efforts would be denigrated, but collectivity, in all the histories of struggles that any nation went through, will provide us a meaningful look into how the collective is far more powerful. Kung kaya, para mapalabas at mapalahok ang mga guro, REPS, kawani at iba pang empleyado at miyembro ng komunidad ng UP, nagsagawa at patuloy na nagsasagawa ng educational discussions ang All UP Academic Employees Union at All UP Workers Union sa porma ng mga forum. Noong Setyembre 2011 na budget strike campaign ay sinimulan ng mga unyon na rumonda o mag-office to office upang ipaliwanag ang direktang epekto ng budget cuts sa mga empleyado ng UP. Nakapagsagawa ng forum sa College of Arts and Letters, College of Social Sciences and Philosophy at Asian Center. Nitong nagdaang mga linggo, napuntahan ng unyon ang Office of Counseling and Guidance, NISMED, Main Library at sa darating na linggo ay sa UPIS. Sa Enero naman ay nakalinya ang pagbibigay ng oryentasyon sa unyon sa College of Engineering at College of Music.Sa ngayon, ang partisipasyon ng mga miyembro at opisyal ng unyon ay nakapostura sa paglahok sa Disyembre 6 na campout. Ang mga porum ay paghahanda para sa paglahok sa nasabing pagkilos. Maglalabas ng regular na isyu ng Pandayan, ang publikasyon ng mga unyon sa UP.Sa bahagi ng mga guro sa unyon at sa CONTEND-UP ay patuloy ang pagsasagawa ng AKLAS o Alternatibong Klase kasama ang mga estudyante at konseho ng mga mag-aaral at mass organizations upang talakayin sa lebel ng imperyalismo at politika ang budget cut, at na ang “standard issues of the day” tulad ng pataas ng matrikula, presyo ng langis at produkto, at politikal na pamamaslang ay mga isyung hindi hiwalay sa pangkabuuang larga ng sistema ng isang mapaniil na gobyerno.

2. Ano po sa partikular ang mga isyung dadalhin ng AUPWU?

Bukod sa mas mataas na badyet para sa UP, SUCs, education sector, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan, bitbit ng All UP Academic Employees Union at All UP Workers Union ang isyu ng STK o Sahod, Trabaho at Karapatan. Nananatiling mababa ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno kaya hinihingi ang pagpapataas ng Salary Grade level laluna sa mga rank-and-file na empleyado at entry level. Nagiging laganap ang kontraktwalisasyon at subkontraktwalisasyon maging sa mga ahensiya at opisina ng pamahalaan. Mayroon pa ring diskriminasyon sa pamahalaan pagdating sa pagtataguyod at pagpapatakbo ng mga unyon ng empleyado.

Kasama rin sa isyu ang political at panlipunang hustisya — pagpapanagot kay Gloria Macagapal Arroyo para sa mga paglabag sa karapatang pantao at iba pang krimen ng nakaraang administrasyon. Pagpapanagot kay Noynoy Aquino sa lahat ng anti-mamamayan at pro-imperyalistang Estados Unidos na patakaran tulad ng kaniyang 2012 budget, ang Private Public Partnership, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mga politikal na pamamaslang sa mga guro at iba pang progresibo, ang pagtitiyak ng land distribution para sa mga magsasaka at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita at iba pang hacienda sa bansa.

4. Bakit po sa tingin niyo mahalaga ang partisipasyon ng UP sa gaganaping camp-out?

Ang UP ay isang State University at ang partisipasyon ng UP, bilang kinikilalang nagtataguyod ng mataas na antas ng edukasyon, at bilang nakararanas ng taunang paniniil ng gobyerno, ay isang kritikal na mukha at boses sa pagpapakintal ng mga isyung panlipunan at politika ng tunay na pagbabago. Ang laban na ito, kailangang tandaan, ay hindi nagtatapos sa partisipasyon sa campout o anumang pagkilos sa lansangan, sapagkat panahon ito at oportunidad ng oras at espasyo upang magpalakas ng hanay, magkonsolida ng mga miyembro at puwersa, at magpakilos at magmulat ng pinakamarami upang tugunan ang hamon ng panahon. Ang campout ay patunay na hindi matuwid ang daan.

PROSA 1, SERYE 2011

In Personal Essay | Personal na Sanaysay, Prosa Serye 2011 | Prose Series 2011 on February 8, 2011 at 4:29 am

Hinahanap ko kanina ang tesis ko. Natagpuan ko sa laptop ang file na may pangalang “Thesis.” Pagbukas ko’y isang nasimulang kuwento ang natagpuan ko. Nakalagay sa ilalim nito’y “Sinimulan around 3:30pm, March 5, 2010.” Nung basahin ko’y inisip ko pa kung tungkol ito saan at kanino. Ang pamagat ng hind-pa-tapos-na-kuwento ay “Pagbibilang ng mga Pulong at Isang Lumang Kuwento ng Pag-ibig.” Pakiramdam ko’y hindi ko pa madurugtungan ang kuwentong ito. May bahagi sa kuwento na hindi ko akalaing naisulat ko:

“Itong lumang kuwento ng pag-ibig ang pinakamahirap sulatin. Hindi mo alam kung paano sisimulan kahit na alam mo naman kung paano ito nagwakas. Sabi ng titser ko, simulan ko sa dulo. Pabaligtad kumbaga. Hindi naman 69, kasi iyon ay mutual na baligtaran. E, ito, tuso itong akto ng pagbaligtad. Kasi mayroon kang gustong balikan; at mayroon kang gustong patunayan. Ito talagang reverse ay talagang pagrorolyo ng panahon at pangyayari. Para kang nagbabalik ng pinagtalupan ng Indian mango. O di kaya’y pagbabalik ng ni-nail cutter, na parang jigsaw puzzle ang pinutol na mga kuko. Iisip ka ng lahat ng paraan para may balikan at may patunayan. Pero puwede rin namang ito’y sadyang pagbibilang lamang ng pabaligtad – para maiba lang – at malaman kung mas mataas ba ang iyong intelligence quotient kaysa emotional quotient. O vice versa.”

Kapag binabaybay ang memorya, may mga puntong sigurado ka at may mga parteng nag-aalinlangan ka. Alin ang dapat isulat, alin ang dapat ikubli? Puwede ring kailangan ko pa ba ‘tong sabihin, samantalang pinagbabakasakali kong alam na naman ito.

Nagsindi ako ng sigarilyo kanina. Umulit pa ako ng isa. Naghugas ako ng kamay. Winisikan ko ang aking mukha. Pinunasan ko ang aking mukha. Nagtuyo ako ng mga kamay at dalawang polseras. Uminom ako ng tsaang pito-pito para panlaban sa pangangati ng lalamunan. Uminom ako ng kaunting malamig na tubig. Uminom uli ako ng tsaa.

Mykel Andrada. Pebrero 8, 2011. 4:22am. Iba, QC.

EI: P-Pop and K-Pop

In Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on January 30, 2011 at 4:31 am

Email interview ng grupo nina jennifer.dullano@yahoo.com ng University of Santo Tomas (UST) tungkol sa P-Pop. Enero 14, 2011.

 

Good day, Sir Mykel! Salamat po sa pagpayag na matulungan po kami sa aming thesis (“What is P-Pop? : A Comparative Analysis on the Determining Cultural Derivation of XLR8 and Pop Girls’ Music from K-Pop groups Super Junior and Wonder Girls”). Eto po yung mga questins po namin na gusto po sana naming ipasagot sa inyo. Maraming salamat po sa inyong panahon.

 

Mga sagot ko:

 

1. How do you define pop culture?

Popular culture or pop culture is invented by a dominant economic system known as capitalism, whose ultimate goal is to gain profit or “super-profit” by establishing financial oligarchies and by expanding geographical and economic territories via violent conquests. Capitalism also acquires its super-profit by not paying its workers real-time compensation for real-time labor. Historically, capitalism has utilized all forms and persuasions to advance its purpose of achieving stratospheric profits, thereby widening the gap between the wealthy and the impoverished. It has and is using the cultural terrains of various groups and peoples to gain profits. Thus the invention of popular culture as a synthetic, artificial and mainstream culture peddled to the people.

 

Needless to say, popular culture is a product of capitalists, for the very reason of selling cultural products to favor the ruling classes, atop are the capitalists. And because capitalism is such a dominant system, it has been dominating our lives and has been “normativizing” pop culture as a “true, genuine, and mass culture.” Which, of course, is very ironic, since pop culture does not emerge from the masses or general populace; on the contrary, popular culture is “popularized” by mainstream capitalist media and is passed off as “popular.” As a matter of fact, the popular culture forced down our throats is the popular culture which carries the thoughts, social class positions, politics and general ideas of capitalists and other ruling classes.

 

Pop culture did not “normally” or “naturally” develop as a culture coming from the people. Pop culture is a clear product of capitalist machinations. In common parlance, pop culture products are advertised and packaged, thereby eviscerating illusory thoughts or notions of normality and normativity.

Please refer to the following Filipino authors for further clarification on the discourse of popular culture: Bienvenido Lumbera, Soledad Reyes, and Rolando Tolentino. In particular, read Rolando Tolentino’s book Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari, which is a book on popular culture.

 

2. Is K-Pop a fad or fashion?

This is a very dangerous line of thought. For one, it should be clarified that the terms “fad” and “fashion” are both capitalist inventions, to refer to styles or trends in popular culture. When we actually ask if Korean Pop or K-Pop is a fad or fashion, we actually need to be illuminated that if K-Pop has become a fad and a fashion, it is because its capitalist creators have triumphed in selling it to the general public, which it considers as its clientele. Therefore, we should instead ask, “Who said that K-Pop is a fad and a fashion?”

 

K-Pop is both a fad and a fashion. It’s a fad because after much capitalist packaging and capitalist maneuvering, K-Pop has become a “trend” in the lives of a group or groups belonging to the general masses and has spewed crazes and the like. It is also a fashion, since it has become a kind of “lifestyle” or “practice,” again, after much capitalist packaging and manipulation.

 

3. Why did K-Pop boom in the Philippines?

K-Pop boomed in the Philippines because compradors or capitalist networks, such as ABS-CBN and GMA, have imported K-Pop and have bombarded the general audience with products such as Korean television shows, music, fashion, and the like. The capitalistic success of K-Pop in the Philippines is brought about, largely, by capitalist networks’ aggressive mass media campaign, in particular, advertising and sponsorship contests. Because of this aggressive campaign, Filipinos grew acquainted with K-Pop and were all of a sudden familiar with it. Thus, K-Pop was manufactured and sold as “popular” culture to the Filipinos.

 

4. What are the similarities of the Korean and Filipino culture which enabled K-Pop to be easily popularized locally? 5. Do you think K-Pop really has the power to create a “new culture” in the local arena? 6. How did Filipinos adopt these certain cultural changes and love them? 7. What are the channels which allowed K-Pop to be widely spread?

First of all, it should be highlighted that the “Korean” in K-Pop is actually “South Korean” and not “North Korean.” Socio-politically, South Korea is a capitalist nation, while North Korea is a socialist nation. So the K-Pop that Filipinos are ingesting hails from capitalist South Korea. This is important in analyzing the triumph of K-Pop in the Philippines. The connection of the Philippines and South Korea is that these are countries both influenced by the capitalist power of the United States of America, otherwise known as United States imperialism (the highest stage of capitalism). So what K-Pop indulges the general public is to believe in capitalism, and not in socialism, which is a more progressive and more humane economic system.

 

Again, it is a matter of capitalistic manufacturing. It should be noted that Korean and Filipino cultures are largely different, even though both are Asian countries. Their religions, languages, cultural practices are largely different. Though, we may say, there are certain cultural fields that are similar or near-similar, like close family ties, romantic and sexual love, etc.

 

But what actually enabled K-Pop to be locally popular is capitalist intervention. Local business corporations, especially in the field of television and multi-media, have imported K-Pop in order to sell this to the Philippine market. What local capitalists did is to “translate” and “adapt” these Korean “sensations” to fit the cultural and “class” taste of the Filipinos. How do they do it? They do it by “Filipinizing” Korean capitalist aspirations. This means that the capitalist logic of K-Pop is re-invented in the Philippine context. This is what you call “co-optation.” This is a capitalist process whereby cultures are used by capitalist corporations, turned into cultural products, and sold to the paying public.

 

Class consciousness plays a very large part, if not the largest part, in the triumph of K-Pop in the Philippines. What have been ultimately linked are the class aspirations created by capitalism for both South Koreans and Filipinos. Thus, when watching and listening to K-Pop, the audience is bombarded with first-world dreams of becoming international singers, of working in the capitalist industry of the advertising world, of cladding one’s body with “esoteric” or “halu-halo” fashion and other flashy images; these are all done in the “art” of capitalistic packaging.

 

8. How would you explain the creation of P-Pop?

Pinoy or Philippine Pop or P-Pop is clearly an offshoot of K-Pop. It is really easy to see the connection. Members of P-Pop groups look like Koreans, physically. Add to that the mimicking of the distinct Korean pop, artsy hairstyle and layered clothing. It clearly derives its origin from the glam-pop of South Korea’s mainstream music and multi-media industries.

 

9. Would you say that P-Pop can be regarded as pop culture or as a trend? Is it here to stay? 10. Does P-Pop reflect a Filipino identity? If no, will it eventually create its own identity?

It all depends if local capitalists will continue to promote P-Pop. But needless to say, P-Pop is not something that is here to stay. Since the Philippines is a neo-colony of the United States of America, K-Pop-inspired P-Pop will eventually have to transform or adapt itself to be able to survive as a dominant or influential part of Philippine pop culture. Let’s just say that for P-Pop to survive, it has to perennially re-invent itself, all in the name of profit.

 

Mykel Andrada. Enero 30, 2011. Iba, QC.

 

Madaling Maging Honorable at Academically Excellent na Estudyante

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on December 14, 2010 at 2:58 am

Ngayon ko lang muli naranasan na pinagbabangga ang aktibismo at pang-akademikong kahusayan. Walang duda, bahagi ng kontinuum, bahagi ng makapal na sinulid na nagdurugtong sa mga estudyante at sa edukasyon, itong tila magkatunggaling konsepto. Ngunit naroon ang kahungkagan sa mismong perspektiba na magkalaban itong dalawang dulo, pilit na pinaghihiwalay.

Sa buong kasaysayan ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas, wala tayong maituturing na iisang klase ng edukasyon: kalakhan ay nananatiling kolonyal at represibo, sumasagitsit ang komersyalisasyon ng larangang ito, ngunit lagi’t laging sumusulpot, lumalakas at umuunlad ang makabayan at mapagpalayang pagturan sa edukasyon. Laluna nitong nagdaang mga dekada, kung kailan ang kolonyal, represibo at komersyalisadong karakter ng estado at naghaharing uri ay mariing binabangga ng mapagpalaya’t progresibong edukasyon ng mga kilusang panlipunan at ng mismong mamamayan.

Sa aking mga klase, dalawang klase lamang ng aktibista ang naging mga estudyante ko, magmula man sila sa iba’t ibang partido politikal sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Una, ang nagkukunwang may pakialam ngunit sa katunayan ay indibidwalista. Ikalawa, ang may pakialam at handang magsakripisyo. Hayaan ninyong ipaliwanag ko.

Minsan, tinanong ko sa klase kung sino-sino sa kanila ang aktibista. Mabilis na nagsitaasan ang mga asul-an at dilaw-an. Tinanong ko kung ano ang depinisyon nila ng pagiging aktibista. Narito ang kanilang retorika: ang mahusay na naglilingkod sa estudyante habang nababalanse ang gawaing pampaaralan. Palakpakan ang kanilang mga tenga, palakpakan ang kanilang mga palikpik. Nagtanong ako kung may aktibista ba na mula sa partidong kilala sa pagru-room-to-room, pagra-rally, pagsta-strike, pagpapapirma ng signature sheets, pamimigay ng polyeto. May iilang nagtaasan ng kamay. Nakapagtatakang iilan lamang ang nagtaas ng kamay. Ngunit hindi naman rin talaga nakapagtataka. Ang sagot nila sa tanong ko kung ano ang depinisyon nila ng aktibismo: iyong sa teorya at praktika ay nasa larangan ng laban at digmaan. Wala sila sa klase sa panahong iyon. Dahil ang panawagan ng lipunan at ng masang estudyante ay ang lumabas ng klasrum at makiisa sa rally, strike at mga popular na pagkilos ng estudyante laban sa budget cut at iba pang tiwalang pamamalakad ng unibersidad, pamahalaan, at monopolistang dayuhan.

Ano ngayon ang kanilang kaibahan? Ang unang klase ng aktibista ay lalahok sa rally kapag walang exam. Ang ikalawang klase ng aktibista ay lalahok sa rally kahit na pasistahin pa sila ng guro at sabihing ang mag-rally ay tiyak na babagsak sa exam. Sa unang tingin, kahanga-hanga ang unang aktibistang “nababalanse” ang aktibismo at pag-aaral. Anila, hindi lamang sa pagra-rally nasusukat ang aktibismo. Para paniwalaan ang isang aktibista — ang isang lider-estudyanteng aktibista — ay dapat pumapasok siya sa eskwela, hindi lang basta naka-enroll. Pangunahin para sa kanila ang pagpasok sa klase, pagsusumite ng mga takdang-aralin, pagkuha ng mga exam, pagpasa sa klase, at hindi pagka-dismiss sa programa ng departamento at kolehiyo. Kahanga-hanga ito, ngunit ito’y kahanga-hanga lamang sa isang perpektong lipunang walang anumang kontradiksyon, walang anumang kahirapan at pagmamalabis ng iilan. O mas tama yatang sabihin na kahanga-hanga ito sa isang mundong burgis, na nag-aastang walang anumang kontradiksyon sa lipunan.

Ngunit ang katotohanan ay batbat ng kontradiksyon ang lipunan. Paano matinong makapag-aaral sa klase ang mga mag-aaral ng UP Manila Extension Program sa Palo, Leyte, kung hindi dumarating ang kanilang allowance pambili ng pagkain bunga ng pagkaltas sa badyet sa edukasyon? Paano matinong makapag-aaral sa klase ang isang estudyanteng ilang oras nang zombie dahil sa sabay na pagtatrabaho sa call center at pabrika habang iniraraos ang digri sa kolehiyo? Paano makapag-aaral nang mabuti at mapayapa ang isang aktibista at lider-estudyanteng aktibista kung tinatawag siya ng responsibilidad sa sektor at sa lipunan na kanilang sinumpaan sa kanilang mamamayan? Hindi kasi perpekto ang lipunan. At ang mga aktibista’t lider-estudyanteng ito ay nagsusulong ng digmaan laban sa imperpektong sistema. Bakit mo sila pupulaan? Bakit target ngayon ng mga asul-an at dilaw-an ang mga pula-han?

Hindi pagpapabaya ang pagliban sa klase dahil sa pagtugon sa mga responsibilidad ng isang aktibista at isang aktibistang lider-estudyante. Ang tawag doon ay mataas na uri ng sakripisyo. Na dapat hangaan at tularan. Hindi laging nangangahulugan ang mababa o bagsak na grado bilang pagpapabaya, bilang kabobohan. Kailangang suriin ang uri ng pagliban sa klase o pagbagsak sa eskwela: ito ba’y sakripisyong bunga lamang ng pagmomoda sa burgis na pag-ibig at paglalango sa alak ng kapitalismo; o ito ba’y sakripisyo para sa pag-ibig sa bayan, pag-ibig na lampas pa sa sarili’t sarili? Sakripisyo para sa layuning lahat ng mag-aaral ay makapag-aral at patuloy na makapag-aral. Sakripisyo para sa malayang lipunan.

Ang tunay na kapabayaan ay iyong isinasakripisyo ang paglilingkod sa bayan para makakuha ng hungkag na uno at mataas na grado mula sa neoliberal at pasistang sistema. E, ano kung uno ka kung hindi ka naman tunay na naglingkod sa masa! Aanhin mo ang laude kung ang utak mo’y puro tae. Madaling maging honorable at academically excellent na estudyante, pero mahirap ang maging pula-hang aktibistang lider-estudyante.

Push Button to Eject Teacher!

In Personal Essay | Personal na Sanaysay on October 9, 2010 at 11:01 am

Tatlong magkakapatid na ang dumaan sa mga klase ko. Natatandaan ko ang mukha ng aking mga estudyante, pero hindi ko na memoryado ang lahat ng kanilang mga pangalan, hindi tulad nung mga unang taon ng pagtuturo ko. Minsan nga, nang nakatambay kami sa Maginhawa sa Teachers Village, may lumapit sa akin na dati kong estudyante. Tanda ko ang mukha niya, at ang unang letra lamang ng kaniyang pangalan. Pag nakikita ko ang mga dati kong estudyante na nagtatrabaho na, lagi ko silang binibiro na dapat magpatoma o magpakain sila.

Humanga at/o nainlab na rin ako sa ilang estudyante ko, pero walang sexual harassment na naganap at magaganap! Pramis! Nakipag-inuman na rin ako sa mga estudyante at kapwa guro. Naging tropa ang mga estudyante. Nung mga unang taon ng pagtuturo namin ng mga kabarkada kong titser, marami kaming kabulastugan, pangarap, pantasya. Marami kaming tinakbuhan at hinarap. Tumatalilis kami ng takbo para iwasan ang mga ayaw naming makita. Tumatakas kami para hindi mabigyan ng dagdag na trabaho. Nagyosi sa loob ng klasrum. Uminom ng ilang bote ng beer bago magturo sa klase para senglot-senglot ang pakiwari. Pumasok sa klase nang may matinding hangover. Nakipagbakbakan sa mga tiwaling pamamalakad ng mga administrador ng pamantasan.

Noong unang semestre ko ng pagtuturo sa UP Los Banos (UPLB), sinabihan ako ng isang estudyante ko na hindi raw niya makita ang koneksyon ng pinag-uugnay kong mga bagay. Ipinaliwanag ko nang ipinaliwanag, pero hindi ko siya nakumbinsi. Siguro binibilang ko noon ang mga hakbang ng mga paa ko pagkatapos ng klase, habang naglalakad palayo ng klasrum na iyon. Basta nakayuko ako o kaya ay nakatanaw sa malayo, nalalampasan ang mga punong kayrami-rami sa kampus ng UPLB, natatapakan marahil ang anino ng mga nakakasalubong o nakakasabay, at ang mga higanteng kalabaw sa Car Park (Carabao Park). Kung maliwanag ang araw ng hapong iyon, malamang kumikintab ang mga talukap ko. Ang hirap humarap sa klase kapag biglang nakaltag ang tiwala mo sa sarili. Paglaon, naging magkaibigan rin kami ng estudyante kong iyon. Pinahiram pa nga niya ako ng damit nang minsang makitulog ako sa bahay nila ng ate niya. Kapatid pala siya ng kaibigan at kapwa ko guro sa UPLB.

Minsan naman, di ko na matandaan kung anong semestre, basta sa UP Diliman na ako nagtuturo, nakatanggap ako ng mensahe mula sa isang estudyante pagkatapos ng semestre. Sabi niya’y salamat raw sa mga natutunan niya sa klase, huwag lang raw ang pagiging aktibista. Nakomentohan na rin ako na masyado raw akong tibak sa klase, masyadong ideolohikal at radikal. Sa mga sarbey sa UP, kapag may tanong na “Have you had an activist for a teacher?” ay malimit na naisasagot ang pangalan ko. Wala naman akong problema rito. Tutal ganun naman talaga ako, kaya bakit ako mahihiya o maaasar. Sa totoo lang, simpleng kasiyahan ko iyon. Nahihigit nito ang aking mga labi para magpasungaw ng ngiti.

Napag-uusapan namin ng ilang kaibigang guro kung ano ang pakiramdam kapag nasasabihan kang “Okay yang si ser. Masaya sa klase!” Iisipin mo, kinukuha ka ba na titser dahil may matututunan mula sa yo o dahil ang bali-balita sa grapevine ay masaya sa klase, nanonood ng pelikula, laging nagjo-joke, kahit na maraming pinapabasa. Nangangarap at nagtitiwala na lang kami na sana’y may tumagos na kahit na karampot na mapagpalayang mga konsepto sa kanila. Ngayon, kung sasagutin ko yan ay tipong sisihin na lang natin ang kulturang popular at ang sistemang neoliberal. Pero sige pa rin nang sige, bagama’t minsan ay nakakaltag.

Masuwerte ako kung tutuusin kumpara sa libo-libong kapwa ko guro sa pampublikong sektor, sa mga probinsiya at liblib na pook at paaralan, sa mahihirap na paaralan, na ang mga libro’y kakaunti kaya hindi nababasa ng lahat. Sa UP kasi, kahit papaano, may ilusyon ng akademikong kalayaan — na kahit aktibistang guro ka ay puwede kang magsalita. Pero siyempre, kunwa-kunwarian lang yun. Masabi lang na may mga aktibista sa akademiya. Siguro sabihin na lang nating constant struggle pa rin yan! Minsan, nagbigay kami ng seminar sa mga guro sa Masbate, Masbate. Nang tanungin sila ng guro at makatang si Joi Barrios kung ano ang ginagawa nila kapag may umaabsent na estudyante o may hindi nakakagawa ng takdang aralin, may ilang sumagot na pinapalo at pinaparusahan. Sabi ni Joi, tipong, pero tinatanong ba natin ang ating mga estudyante kung bakit sila absent o kung bakit hindi nakagawa ng assignment? Malalaman namin sa seminar na iyon na maraming estudyante ang lumiliban sa klase o hindi nakasasabay sa usad ng pag-aaral sapagkat nagtatrabaho sa bukid, nagtitinda, walang makain, walang pera. Kaya dapat bang sila ang paluin at parusahan? O yung gobyerno at pinuno nito?

Kung babalikan ang graffiti sa mga desk at/o armchair ng elementary, high school at college, mapapansin na popular ang “Push button to eject teacher!” na maraming bersiyon at baryasyon tulad ng “Push button to ERECT teacher!” Parang batayang antagonismo na ang titser-estudyante. Na sumbungero ang titser, pahirap, terorista. Minsan pa nga, o madalas pa nga, totoo naman, na alingawngaw ng neoliberal at pasistang sistema ang ating mga guro. Pero hindi lahat. At hindi natin sila buong-buong masisisi. Kasama rin sila sa mga kailangan nating palayain at gawing liberatibo at mapagpalaya.

Kahit na i-push button to eject teacher pa ako ng sistemang ito, tulad nang ginagawa kay Sarah Raymundo, ipu-push button to erect administrator ko sila, hahahaha! Saka isa pa, hindi ako mahilig magpalaki ng puwet sa upuan.

Mykel Andrada. October 7, 2010. 12:43pm. Iba, QC.

KONTRA-DAYA MONITORING, Mayo 10, 2010

In Issues| Isyu, Personal Essay | Personal na Sanaysay on May 11, 2010 at 1:44 pm

Ang Kontra-Daya at ACT Teachers Partylist-UP Diliman team namin nina Shawee at Bernadette, at ng Ateneo graduate na pinsan ni Shawee na si Nana, ay naglibot kahapon, Mayo 10, 2010, para magmonitor ng pambansang eleksyon. Apat na voting precincts ang naitoka sa amin: Claret School, Krus na Ligas, Balara Elementary School (plus La Vista) at Miriam College. Narito ang nakalap namin:

1. Claret School – Mayroong tatlong PCOS machines, humigit-kumulang 1,000 rehistradong botante. At as of 5pm ay nagtala na ito ng 76% voter turnout. Wala namang aberya o problema. Maraming salamat sa taga-PPCRV na si G. Gudolph Villapando sa pagpapaunlak sa mga katanungan ni Shawee :)

2. Krus na Ligas – Mayroong 10 clustered precincts na nag-a-average ng 800 registered voters kada presinto. As of 6pm, tinatayang nasa 2/3 ng kabuuang registered voters na ang nakaboto, ayon kay G. Joselito Francisco ng PPCRV. Isang PCOS machine ang hindi gumana simula umaga dahil sa sirang CF Card. Itinimbre nila agad ito sa COMELEC at midya kung kaya’t dumating ang ilang elemento ng mass media. Nakaboto naman sa naturang presinto ngunit itinabi muna ang mga balota hangga’t hindi pa dumarating ang CF card na magmumula pa sa Cavite, para sa canvassing. Maraming salamat kay G. Francisco :)

3. Balara Elementary School (plus La Vista) – Mayroong 11 PCOS machines at 11,253 voting population, 85% nito ay nakaboto na as of 6:30pm. May ilang di nakaboto sapagkat wala sila sa listahan; ang iba’y bagong botante habang ang iba nama’y isa o dalawang eleksyon nang hindi nakaboto. Samantala, sa La Vista, na hawak rin ng PPCRV ng Balara Elementary School, mayroong dalawang (2) PCOS machines. Nakapagrehistro ang nasabing presinto ng 75% ng pangkabuuang boto as of 6pm. Maraming salamat kina Atty. Warren, G. Antonino Herrera at G. Florencio Agluba ng PPCRV at Knights of Columbus.


4. Miriam College – Mayroong walong (8) PCOS machines at humigit-kumulang 6,000 rehistradong botante. Tatlong PCOS machines ang pansamantalang nagkaaberya, ngunit naayos naman agad. Mayroong kaso ng mga hindi pagboto dahil wala sila sa listahan; hindi nakaboto nang isa o dalawang eleksyon na. Maraming salamat sa mga babaeng (mukhang)-estudyante na miyembro ng PPCRV na nagtiyagang sagutin ang aming mga katanungan. (Pasensiya na, nakalimutan ko na ang pangalan ninyo)

5. UPIS – Dito nagbantay sina Staff Regent Buboy Cabrera, AUPWU Diliman Chapter President Felix Parinas, Tita Baby Parinas, Kuya Noel Marquinia at Ate Connie Marquinia. Panalo dito sina Liza Maza, Satur Ocampo, at ang ACT Teachers Partylist! Dumating kami ni Lisa para tumulong sa pollwatching. Matapos ang umaatikabong kuwentuhan, umuwi na kami :)

Mga larawang kuha ni Mykel Andrada | Mayo 10, 2010

Pagboto para sa mga Progresibo Ngayong Mayo 10, 2010

In Issues| Isyu, Opinion | Opinyon, Personal Essay | Personal na Sanaysay on May 10, 2010 at 2:46 pm

Dumating kami ng kapatid ko dito sa Quezon City mula sa Sampaloc, Quezon Province around 8:30am. Kumain at naligo saglit at sumunod na sa mga magulang namin upang bumoto sa covered court ng Brgy. Sta. Teresita, Quezon City. Naiwan ko pa ang I.D. ko kaya pinauna ko na ang kapatid ko.

Pagdating ko sa covered court na nagsisilbing presintong pang-eleksyon, ang haba ng pila; halos umabot na sa palengke. Bumalik ako sa bukana ng court at nakapasok sa loob kung saan nakita ko ang kapatid kong si Mark. Di kami magkapareho ng presinto. Nakita ko sina Shiela at Ate Fhe na 9am pa nakapila. Around 10:30am na ako dumating sa presinto. Nalaman kong pareho pala kami ng pipilahan kahit na magkaiba ng presinto. Clustered precinct 205 kami. Salamat dahil pinasingit nila ako sa pila. Sabi ko, “Bakit ang haba ng pila ngayon? Dati ambilis lang a!” Medyo mas mabilis nakaboto ang mga magulang ko dahil senior citizens na sila, hehehehe! :)

Nagpicture-picture kami. Nakipaghuntahan sa mga katabi (wink, wink!). Nakita namin si Irene Kho, yung nanay ni Hayden Kho. Di ko siya napicture-an.

Nung malapit na akong papasukin sa presinto, nakasalubong ko yung kapitbahay namin at tinanong ko kung madali lang ba bumoto. Sabi niya madali lang raw. Pero ingatan raw ang pag-shade kasi may mga “naniniko” raw sa botohan. Unahin raw ang pagbilog saka i-shade ang loob. May nagalit na baranggay official (ata) kasi nagkagulo sa pila at nagdumugan sa isang presinto. Understandable naman dahil 12nn na halos.

Habang nakaupo kami sa mga monoblock chairs, kitang-kita ko ang PCOS Machine ng Smartmatic. Mukha itong glamorous na basurahan, o kaya ay xerox machine, hehehehe. Nung turn ko na, kinabahan ako sa pagshade; di ko nasundan yung sinabi ng kapitbahay naming laging nagbabasketbol. Limang shade lang ang ginawa ko: Presidente, Senatoriables Liza Maza at Satur Ocampo, ACT Teachers Partylist at aspiring QC Mayor Roberto Sombillo. Sa sobrang kaba, di ko na napicture-an yung balota ko. Hindi ko rin makita sina Shiela at Ate Fhe kaya di ako nakapagpapicture habang isinusubo ko sa PCOS machine ang mahabang balota. Isinubo ng PCOS machine at sabi niya “Verifying” tapos ay buti na lang ay sabi nito na “Congratulations!” na ibig sabihin ay tinanggap ang aking limang shaded votes. Pinicture-an ko ang aking kanang hintuturo katapat ng PCOS machine.

Sa huling picture/shot na nakuha ko sa loob ng presinto, yung hilera ng mga bumoboto, pinagsabihan ako ng isang mabait na taga-PPCRV na bawal raw kumuha ng litrato. Pero promise, mabait at responsible talaga yung taga-PPCRV. Pinalabas na niya ako ng presinto at pakiwari ko lahat ng mata ay nakatitig sa akin kahit, hehehehe. It must be my Vietnamese Mao cap (c/o Piya) and my goatie! :)

Sa labas, nakuhanan ko ng litrato ang napakaraming campaign posters na ito. Ang mga pader nga pala kung saan nakadikit o nakasabit ang mga posters na ito ay ang mga pader ng aming Barangay Hall. Dapat pala nakisabit na rin ako ng posters nina Satur Ocampo at Liza Maza at ng ACT Teachers Partylist, hehehehe :)

mga larawang kuha ni Mykel Andrada; Brgy. Sta. Teresita, QC

Self-Criticism

In Personal Essay | Personal na Sanaysay on April 20, 2010 at 2:40 am

Marami akong kasalanan kahapon, Abril 19, 2010.

Una, dahil ambagal ko kumilos para maligo-magbihis at umalis ng bahay, dahil nagpuyat ako at huli nang nagising, konting oras na lang ang nailaan ko sa pagdedeposito sa Metrobank at BDO. Lagpas ala-una ng hapon na ako nakaalis ng BDO. E, ala-una ang unang klase ko ng Pan Pil 17 sa UP ngayong summer. Interestingly, around 1:30pm ako dumating sa CAL New Building. Nagklase ako, humingi ng tawad sa aking mga estudyante, at ipinagtapat ko ang tunay na rason kung bakit huli na naman ng 30 minuto ang kanilang guro. Sabi ko nga kanina, something like, “Hay, huli na naman ako dumating. Four out of the five class meetings we had so far, huli ako dumating. Pasensiya na.” Bukas naman ay nasabihan ko na ang unang klase ko ng Pan Pil 17 na 1:30pm na lang sila pumasok dahil tiyak akong mahuhuli ng dating dahil mayroon kaming 1pm APC meeting bukas/mamaya. Pasensiya na.

Ikalawa, hindi ako nakadalo sa pulong tungkol sa graduation protest kaninang 5pm. Dahil matapos ang 1-3pm at 3-5pm na klase ko, ako ay naengganyong magbisikleta bilang ehersisyo. Bago ko pa mabasa ang text ni Vlad, naabutan ko siya sa Filipino Department sa Faculty Center at sinabi nga niyang dala niya ang bisikletang kapapagawa lang niya. Tinanong niya ako kung mayroon ba akong meeting. Sabi ko, “Meron. Pero itetext ko si Lisa kung start na. Kasi gusto ko talagang mag-bike.” Something like that. So ayun na nga. Kahit na nagtext naman si Lisa na nagsisimula na ang meeting ay nag-bisikleta pa rin ako sa Acad Oval. Naisip ko na makakahabol naman ako ng around 6pm para dun sa meeting. Nagkuwentuhan kami tungkol sa article niya sa The POC, yung tungkol sa Jejemon, tapos tungkol sa mga estudyante namin, at marami pang iba. Medyo mabigat ang bisikleta (hindi ako nagrereklamo. Nagpapasalamat nga ako kasi pinahiram ako ng bike), tapos paglagpas namin sa Quezon Hall palapit sa College of Music, pataas ang daan sa lugar na iyon, na-out of balance ako! Napatili/napasigaw ako at alam kong maraming napatingin sa akin. Buti na lang alert si Vlad nang matawag ko siya, kaya hindi ko naman siya nasagasaan o nabangga kahit padiretso ako sa kaniya. Natulungan niya ako na hindi tuluyang mabuwal. Nataranta ako at para bang pagkatapos nung insidenteng iyon ay wala na akong kumpiyansang magbisikleta; na para akong kinakabahan. May nakasalubong pa kaming estudyante ko dati na nagja-jog rin saka mga taga-Kule. Siyempre, lagpas 6pm na kami natapos magbisikleta/jog. Inamin ko naman ito kina Lisa at Lanie habang hinihintay naming dumating si Tonchi Tinio, first nominee ng ACT Teachers Partylist, sa bahay nila ni Trina Tinio, para sa ika-40 kaarawan niya. Pasensiya na.

Ikatlo, nag-last hirit pa ako ng pagbibisikleta bago ko ibalik kay Vlad ang kaniyang bisikleta. Habang nagku-cool down si Vlad ay nagmabilis ako ng pagbibisikleta mula tapat ng Faculty Center hanggang sa bago mag-Engineering, tas kanan pabalik ng Faculty Center area. Hindi ko mahanap si Vlad. So inassume ko na naglakad siya uli sa ruta ng Acad Oval para mag-cool down. So pagkalagpas sa Faculty Center / Vargas Museum, bumalik ako para kumaliwa sa kanto ng mga kiosk sa tapat ng Faculty Center. Nang maka-kaliwa na ako, lumingon/luminga ako sa kaliwa ko, sa mga bench ng kiosks, para tanawin kung naroon si Vlad. Pagbawi ko ng tingin pa-diretso sa daan, nakita kong malapit na ako sa isang morenong lalaki na patawid at nakalingon naman sa kaniyang kanan. Napasigaw ako na parang hindi ko naman narinig ang boses ko sa sobrang kaba at takot na makakabundol ako. Hindi ko alam kung nasagasaan ng mga gulong ng binibisikleta ko ang mga paa ng lalaking nakasuot ng rubber shoes. Hindi ko rin alam kung nahagip ko siya o nasaktan. Wala akong narinig sa kaniya. Nang makapreno ako, lumingon ako sa kaniya at nagsabing “Kuya, sorry po talaga. Sorry po. Hindi ko po kayo nakita.” Nakatingin lang siya sa akin. Hindi. Nakatitig siya sa akin na parang ako na ang pinakakinasusuklaman niyang tao. Para siyang militar o pulis kung makatingin. Sorry ako nang sorry pero lalo lamang tumatalim ang tingin niya sa akin. Natrauma ako sa mga tingin ni Kuya. Naguilty ako na baka nasaktan ko siya. Naguilty ako lalo nang hindi ako lumapit sa kaniya dahil takot ako na baka sapakin ako. Naguilty pa akong lalo nang nag-sorry ako ng pinakahuli kong sorry sa kaniya at pinaandar ko na ang bisikleta nang hindi siya nililingon. Nang matagpuan ko na si Vlad malapit sa College of Music, ikinuwento ko ang insidente. Sa bahay ni Tonchi, naikuwento ko rin ito kina Lanie, Lisa at Alnie. Sinabi ni Lisa na hindi naman raw masakit ang gulong ng bisikleta. Sinabi ni Alnie na hindi ko naman raw sinasadya. Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang nagsabi na hindi rin naman raw kasi nakatingin yung lalaki. Actually, yung sinabi ko sa lalaki, yung pinakahuling sorry ko, ay mayroon pang kasunod. Something like: “Sorry po talaga, Kuya. Hindi ko po sinasadya. Saka hindi rin naman po kasi kayo nakatingin.” At alam kong medyo naiinis na rin ako nun, kasi nga ang talim ng titig ng Kuya. Ang kupal ko lang, ‘no? Pasensiya na. Guiltyng-guilty lang talaga ako. Na nung umiwas na akong dumaan dun sa kiosk kaya sa ruta ng likod ng Quezon Hall ang nilakaran ko pa-Faculty Center at na nung nagbibihis na ako sa kuwarto ko sa Faculty Center at nasa dyip na ako pa-Workers Union malapit sa Shopping Center, naisip ko na balikan kaya yung lalaki para alamin kung nasaktan o napilayan siya, at baka kailangan ng pera o tulong. May bitbit nga palang plastik bag yung kuya. Tapos naisip ko na huwag na lang siyang balikan, kasi nga, baka naman hindi siya nasaktan. Sana nga hindi siya nasaktan. Habang nag-aabang ako ng jeep sa tapat ng Faculty Center at habang papalayo ang nasakyan kong jeep, tinatanaw ko ang mga kiosk, ang mga bench sa kiosk, kung andun yung lalaki. Hindi ko siya nakita. Guilty pa rin ako. At tulad ng tinext ko kay Vlad kahapon, na-trauma ako. Pasensiya na, kuya. Pasensiya na talaga.

Ikaapat, hindi ko nasabihan ang mga taga-Acad Union na may handaan kina Tonchi Tinio ng ACT Teachers Partylist, no. 39 sa balota, ang tunay na tinig ng teachers, dahil ika-40 kaarawan niya. Pasensiya na.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 33 other followers